LA TRINIDAD, Benguet
May kabuuang 81 pulis mula sa iba’t ibang yunit ng Police Regional OfficeCordillera ang mayroon na ngayong kaalaman at kasanayan, matapos ang kanilang Basic Internal Security Operations Course (BISOC) training na ginanap sa Philex Mines ,Barangay Ampucao, Itogon, Benguet, mula Marso 15 hanggang Mayo 15. Pinangunahan ni Brig.Gen. David Peredo,Jr.,regional director, ang pamamahagi ng sertipiko sa ginanap na closing ceremony sa Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong Mayo 15.
Bilang highlight ng seremonya, tatlong miyembro ng BISOC Cl-02-013-RCOR2023-005 “SUMIKADAN” Class ang binigyan ng PNP Medals at Certificates of Commendation para sa kanilang outstanding performance sa kurso na sina Pat Fred Norman Fang (90.86%) ; Pat Jaime
Gumangan (89.90%) at Pat Kelvin Kurt Agwilang (89.66%) Gayundin, iginawad ang mga parangal sa pamumuno kay Pat Fred Norman Fang, na nagsilbi bilang Class President, at PCpl Denver Baliwag para sa pagiging Class Marcher.
Pinangunahan ni Peredo ang ceremonial handover ng BISOC badge at pagbibigay ng beret sa mga nagsipagtapos. Binati rin niya ang mga nagsipagtapos at hinikayat silang isabuhay ang kanilang
natutunan sa tagal ng kurso. Inulit ni Peredo ang kahalagahan ng pagpapahusay sa kakayahan ng PROCOR sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pagsasanay at kurso na makakatulong sa paghubog ng mataas na kakayahan, sinanay, at disiplinadong mga pulis.
Zaldy Comanda/ABN
May 20, 2023
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024