9 na sabungero huli sa illegal cockfighting

BAGUIO CITY – Siyam na sabungero ang dinakip matapos mahuli ng pulisya sa aktong tumataya sa iligal na sabong noong Hunyo 12 sa Camp 7, Baguio City.
Ayon sa Police Station 8 ng Baguio City Police Office, kinilala ang mga nadakip na sina Roland Pajimola Castillo, 39, ng Cudirao Loakan Proper, Baguio City; Bert Binay-an Akiapat, 51, ng Lower East Pias, Camp 7, Baguio City; Joseph Christopher Buenaventura Abuan, 35,ng Purok Bubon Loakan Proper, Baguio City; Allan Palen Guia, 51,ng Loakan Proper, Baguio City; Geraldo Espinilla Bentican,19,ng Purok
7, Zigzag, Camp 7, Baguio City; Fernando Andrea Amparado, 56,ng Spring Hills Purok 3, Loakan Apugan, Baguio City; Richard Francia Comising, 39,ng Upper Atok Trail, Baguio City; Alan Maimpis Canda, 62,ng Purok 2 Loakan Liwanag, Baguio City at Minardo Cados Vizcaya, 48,ng Pias Camp 7 Baguio City.
Napag-alaman na nakatanggap umano ng tawag ang police station mula sa concerned citizen kaugnay sa nagaganap na tupada sa may Youngland ng nasabing barangay.
Agad naagsaga ng anti-illegal gambling operation ang pulisya at nadatnan ang nagaganap na tupada dakong alas 11:00 ng tanghali. Nakuha sa lugar bilang mga ebidensya ang dalawang live fighting cock; isang dead fighting cock; black box containing gaff (fighting blade); siyam pirasong gaff (fighting blade); isang green fighting cock box; isang genuine P500.00 bill isang P1,000 peso bill.
Ang mga nadakip na suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa police station at sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Cockfight).
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon