LA TRINIDAD, Benguet
Siyam na pulis mula sa iba’t ibang yunit ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) ang ginawaran ng PNP Medalya bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at kapuri-puring pagganap sa
kanilang sinumpaang tungkulin at responsibilidad sa ginanap na traditional flag raising ceremong as Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet, noong Hunyo 26.
Pinangunahan ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director at Director Renato Rosales, Officer-InCharge ng Commission on Audit- Cordillera, na nagsisilbing guest honer at speaker, ang pagtatanghal ng PNP Medals sa mga karapatdapat na tauhan ng PROCOR.
A Medalya ng Kasanayan (PNP Efficiency Medal) were awarded to Col Andrew Aguirre and PEMS Bill Capya-ao, Regional Finance Service Office 15 (RFSO 15); PEMS Brien Mayos at NUP Jayson Pollosco, ng Regional Comptrollership Division (RCD) at NUP Leonarda Senio, ng Benguet PPO, para sa kanilang napakahalagang mga serbisyo na ibinigay bilang mga facilitator sa matagumpay na pagsasagawa ng Annual Management Audit para sa Fiscal Year 2022 mula Mayo 16–19, 2023.
Sina MSg Lexy Aliba at SSg Dexter Telan, ng Ifugao Police Provincial, ay ginawaran ng Medalya ng Kagalingan para sa matagumpay na serbisyo ng warrant of arrest para sa No. 4 Most Wanted
Person, Regional Level, para sa 2nd Quarter ng CY 2023, para sa krimen ng Statutory Rape. Ang parehong parangal ay ibinigay kina Capt. Filmore Pasiwen at Pat Johnny Nayosan, ng Baguio City Police Office, para sa matagumpay na serbisyo ng warrant of arrest para sa No. 7 Most Wanted
Person City Level para sa 1st Quarter ng CY 2023 para sa paglabag sa New AntiCarnapping Act of 2016 (RA10883) noong Marso 21, 2023.
Zaldy Comanda/ABN
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024