90% below full immunization rate naitala ng Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Naitala ng city health services office (CHSO) ng Baguio sa nakalipas na limang taon ang steady rate na below 90 percent immunization rate para sa mga batang mas mababa sa isang taon, at walang kaso ng polio ayon sa isang opisyal noong Martes.

“In the last five years, we have been having rates of below 90 percent coverage on immunization pero wala pa naman tayong nairereport na polio case,” ani CHSO chief, Dr. Rowena Galpo.

Sinabi niya na ang sukatan sana ay nasa 95 porsiyento upang mahadlangan ang anumang paglaganap ng polio, tigdas at iba pang vaccine preventable diseases.

Sinabi niya na hindi lamang minomonitor ng CHSO ang immunization rate para sa polio kundi ang “fully immunized children”, ibig sabihin na ang lahat ng bakuna na dapat ibigay sa mga batang mas mababa ang edad sa isang taon.

Ayon kay Galpo, ang isang “fully immunized” na bata ay ang nabigyan ng tatlong oral polio vaccines at isang injectable polio vaccine, DTP (diphtheria, tetanus, pertussis), dalawang anti-measles vaccines at BCG o bacilli Calmette-Guerin para maprotektahan ang bata sa tuberculosis.

Sinabi ni Galpo na ang Baguio ay polio-free sa nakalipas na siyam na taon. Gayunman ay muling ipinagpatuloy ng CHSO ang pagmamatyag upang masigurong ang mga kaso ay agad na matugunan. Kabilang sa pagmamatyag ang paguulat kahit walangmga kaso.

“Any disease for that matter na merong parang medyo humina ang legs, hindi maka lakad, that’s called acute flaccid paralysis, irereport kaagad,” ani Galpo. Sinabi ni Galpo na ilang paraan upang maiwasan ang polio ay kailangang mabakunahan, iwasan ang bukas na dumihan at panatilihin ang isang malinis at sanitary toilet.

Sinabi niya na ang polio virus ay namumugad sa bituka at sumasama sat ae kapag dumudumi, kaya kailangan masiguro na ang mga dumi ng tao ay maayos na naitatapon. Sinabi ni Galpo na hindi pa nakamit ng Baguio ang 100 porsiyento na toilet-compete residential facility dahil sa pagkakaroon ng mga mobile informal settlers.

PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon