900 illegal fish pens, tinanggal sa ilog ng Dagupan

LUNGSOD NG DAGUPAN – Tinanggal ang halos 900 unit ng illegal na fish pens sa Dagupan river system bilang bahagi ng patuloy na laban kontra sa paglalagay nito.
Sa State of the City Address (SOCA) ni Mayor Belen T. Fernandez na ginanap sa CSI Stadia noong July 17, sinabi nito na ang mga illegal fish pens ay tinanggal ng grupong Task Force Bantay Ilog na naglalayong mabawasan ang polusyon sa tubig dahil ang mga fish pen na bumabara sa daloy ng tubig mula at papuntang Lingayen Gulf.
Ang polusyon ay sanhi ng toneladang pagkain na tinatanggal ng mga may-ari mula sa fish pen. Ang malaking bahagi ng mga pagkain ay nasisira at sa huli ay nagdudulot ng polusyon sa tubig.
Ang kampaya kontra illegal fish pens sa lahat ng ilog ay nasimulan nang mahalal na mayor si Fernandez noong 2013 at ipinagpapatuloy hanggang ngayon.
Sa bisa ng city ordinance, ang lahat ng fish pens ay ipinagbabawal sa lahat ng ilog at waterways ng Dagupan City. Subalit ang mga floating fish cages na nililimitahan ang sukat, gayundin ang mga fish trap na pag-aari ng mga mangingisda, ay pinapayagan.
Sinabi pa ni Fernandez na karamihan sa mga fish pen na tinanggal ay nailagay at pinayagan noong wala pa siya sa panunungkulan.
Inanunsyo ni Fernandez na halos 400 tonelada ng iba’t ibang debris ang natanggal mula sa mga ilog ng lungsod bilang bahagi ng programa na maglinis ng waterways.
Inanunsyo rin ni Fernandez ang patuloy na pagtanggal ng mga residue sa Calmay River gamit ang dalawang dredging machines na ipinahiram sa lungsod ng Department of Public Works and Highways (DPWH). LVMicua/PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon