MALASIQUI, Pangasinan
Nasilbihan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 963,149 katao sa Rehiyon ng Ilocos sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito mula 2022 hanggang sa kasalukuyan.
Sinabi ni DSWD-Ilocos Region director Marie Angela Gopalan sa Kapihan sa Bagong Pilipinas forum noong Martes
(Hunyo 11) na ang tulong na pagkain ang nangunguna pa ring hiling sa mga ibang tulong na iniaalok ng ahensiya sa ilalim ng programa. “Binibigyan-diin nito na ang gutom ang pangunahing alalahanin pa rin, lalo na sa panahon ng krisis,” aniya na idinagdag na ang hiling sa tulong na pagkain sa ilalim ng AICS program ay may kabuuang 65,809, sinundan ng tulong medikal na may 43,731, at pangedukasyon, libing, transportasyon at iba pang tulong.
Ang AICS ay nagsisilbing isang social safety net o stopgap measure upang tulungang makabangon ang mga indibiduwal at mga pamilya mula sa di-inaasahang pangyayari sa buhay o krisis. Ang probisyon ng psychosocial intervention at/ o direct financial/material assistance ay makakatulong sa kanila para mapunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa uri ng pagkain, transportasyon, medikal, pang-edukasyon, at tulong sa libing, ani DSWD. Samantala, sinabi ni Gopalan na may 79,735 sambahayan sa Ilocos Region ang nasilbihan sa pamamagitan ng emergency cash transfer, at 5,502 sambahayan sa pamamagitan ng cash-for-work art food-for-work programs mula 2022 hanggang sa kasalukuyan.
Nasilbihan din ng ibang programa ng DSWD ang 606,858 na poor at near-poor households, 715,344 poor at near-poor children, 156,088 poor at near-poor youth, 257,920 poor at near-poor women, 272,991 poor at near-poor
senior citizens, at 2,572 poor at near-poor persons with disabilities mula 2022 hanggang sa kasalukuyan. Sa ilalim ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps), nasa 245,000 sambahayan ang nabenipisyuhan mula sa conditional cash grants para sa eduaksyon ng kanilang mga anak, kalusugan, at subsidiya sa bigas, aniya. “Agn 4Ps ay naging instrument sa tagumpay ng limang topnotcher, 928 board passers, halos 300,000 college graduates, 103,000 senior high school; graduates, at mahigit 25,000 academic achievers,” ani Gopalan.
Bilang bahagi ng disaster response management ng DSWD, sinabi ni Gopalan na isang memorandum of
understanding (MOU) ang nilagdaan sa pagitan ng kanilang ahensiya at ng Department of Labor and Employment para sa response preparedness initiative ng departamento bilang bahagi ng national action plan ng gobyerno sa El Niño at ang nagbabadyang La Niña phenomena. Target naming sa taong ito ang 10,000 indibiduwal na mabenipisyuhan ng proyekto. Ang MOU ay upang palakasin ang implementasyon ng cash for work na nadisenyong
mapanatili ang produksiyon sa agrikultura sa panahon ng tagtuyot at mapamahalaan ang sobrang tubig sa panahon ng malakas nap ag-ulan na nauugnay sa La Niña,” ani Gopalan.
Sa datos na iprinisinta ay ipinakita na mahigit sa 222,000, ang bilang ng targeted poor families sa Ilocos Region ay
bumaba sa 209,000. “Ito ay dahil sa ilan benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay nakapagtapos o lumabas sa programa dahil umabot na ang kanilang mga anak sa 1 taong gulang at naging self-sufficient na sila base sa aming assessment,” ani Gopalan. Isa sa mga achiever ay si Diana Yna Gironella ng Candon
City, Ilocos Sur, isang 4Ps beneficiary ay nakakuha ng ika9 na puwesto noong May 2024 licensure examination para sa mga guro. Napakasaya ng aking pamilya para sa tagumpay na ito. Sobrang nagpapasalamat ako sa suporta at mga
sakripisyo,” ani Gironella sa isang media interview noong Martes.
Upang masiguro ang nagpapatuloy na tagumpay ng mga pamilayang benepisaryo ng 4ps, sinabi ng DSWD na
nakipagtulungan sila sa local government units (LGUs) upang tulungan silang maorgansia na isang grupo at
makilahok sa maliliit na Negosyo sa ilalim ng sustainable livelihood program (SLP). Sa nakaraang dalawang taon ay nakapagtala ang DSWD Field Office 1 ng kabuuang 360 SLP associations na binubuo ng 28,000 indibiduwal na
sumailalim sa isand capabilitybuilding o training sa pagnenegosyo. Ang LGU, sa kabilang banda ay nagbigay ng mga
negosyp na may start-up capital, soft loan at libreng training sa business management, at iba pa.
Samantala, may kabuuang 177 4Ps contract of service workers ang nanumpa noong Martes upang mapasigla a ng
implementasyon ng national poverty reduction strategy sa rehiyon. Sinisiguro ng contractualization ang job
security sa mga 4Ps staff, tungo sa walang-hadlang na mga probisyon ng mga programa sa mga target na benepisaryong sambahayan.
(LA/HA-PNA Ilocos/PMCJr.- ABN)
October 9, 2024
October 9, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024