97 TAONG GULANG NA LOLA TUMANGGAP NG PABAHAY PROJECT NG ABRA POLICE

LAGAYAN, Abra

Isang 97 taong gulang na lola mula sa bayang ito ang nakatanggap ng maagang pamasko mula sa mga pulis ng Abra Police Provincial Office (PPO). Col.Maly Cula, provincial director, pinili nilang ibigay ang kanilang Housing Project kay lola Rosela Pescador, 97, residente ng Barangay Honey,Lagayan,Abra. Sabi ni Cula, nakatira si Lola Rosela sa isang kubo na gawa lamang sa kawayan. Hindi na matibay ang pundasyon nito na maaaring magdulot ng aksidente.

Hindi na rin siya makapagtrabaho ng maayos dahil sa kanyang katandaan. Dagdag pa sa kanyang pagaalala ay ang kanyang apo na may kapansanan. Kaya naman si lola ang caretaker at stand-in
parent. At sa endorsement ng mga Barangay Officials, si Lola Rosela ang napili ng Abra PPO para lumahok sa kanilang housing project.

Upang makapagbigay ng maayos at komportableng lugar para kay Lola Rosela at sa kanyang apo, isang simpleng turn-over at blessing ang ginawa noong December 5, kasama ang regalo ng Cula kasama sina Lagayan Mayor Edmarc Crisologo at Rev. Fr Manolito Baroña. Bukod sa bagong bahay, pinag-grocery din ng mga pulis ang mga lolo’t lola baon, bigas at iba pang pangangailangan.
Malaki ang pasasalamat ng mga lolo’t lola sa tulong na kanilang natanggap mula sa mga pulis.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon