98 POLICE TRAINEES SA BAGUIO, TINAMAAN NG COVID

BAGUIO CITY – Siyamnapu’t walong police trainees na pawang mga police non-commissioned officer mula sa Philippine Public Safety College of the Police Training Institute, Cordillera Administrative Regional Training Center (CARTC) sa Teacher’s Camp, Baguio City ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID- 19).
Agad na sinulatan ni Mayor Benjamin Magalong si PLt.Col. Miguel Guzman, training officer, na isailalim sa 14 days total lockdown ang training camp at isuspinde ang lahat ng aktibidad, training at events, upang isagawa ang contact tracing at disinfection sa lugar.
Kasalukuyang nasa 197 ang kabuuan ng mg police officers mula sa iba’t ibang lugar na nakatakda sanang mag graduate sa kanilang training.
Inatasan din ni Magalong ang center’s safety officer na makipag- coordinate sa city’s contact tracing team upang mapadali na masuri ang mga personnel para sa testing, isolation at quarantine.
“Mananatili munang nakasara ang CARTC habang isinasagawa ang contact tracing at isolation sa mga nag positibo sa virus,” pahayag ni Magalong sa naganap na presscon.
“Malaki itong problema sa ngayon,mostlymga infected ay mga regular pnp personnel takingup leadership courses. Initially 45,lamang,then umakyat ng 56,ngayon 98 na and we are waiting the result of the other RTPCR test, most probably tumaas pa ito sa 100 plus,” wika ni Magalong.
Ayon kayMagalong, inaalam pa nila kung kanino nanggaling ang virus na humawa sa ibang trainees.
Aniya, karamihan samga police patients aymaymild symptoms a t kasalukuyang sumasailalim sa medical intervention, isolation, quarantine of the close contacts, disinfection at iba pang paraan para ma-contain ang pagkalat ng infection.
Naitaan din ang pasilidad na may mga lapses sa health protocols, gaya ng kakulangan ng proper ventilation at physical distancing. Nanawagan muli si Magalong sa publiko, na doblehin ang pag-iingat at manatiling sundin ang health protocols dahil sa inaasahang surge ng mga cases sa mga susunod na araw, lalong-lalo na sa banta ng Delta variant.
Nilinaw din nito sa kasalukuyan ay hindi pa basehan ang fully vaccinated na papasok sa siyudad ng Baguio, dahil kailangan dumaan pa rin sila sa triage.
“Wala pa kasing pahayag o’policy ang NIATF kung ang isang fully vaccinated ay exempted na sa triage.”
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon