AASENSO partylist, naglaan medical assistance sa Baguio-Benguet

May 14, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Magandang balita para sa mga indigents na walang kakayahan para matustusan ang kanilang pagpapagamot sa ospital, dahil mahigit sa P900,000 medical assistance ang inilaan ng AASENSO Partylist para sa lungsod at karatig-lalawigan ng Benguet.
Bukod dito, umaabot sa P36 milyon na mga infrastructure project ang sinuportahan sa iba’t ibang lugar sa Northern Luzon sa ilalim ng kanilang programang HELP (Health, Education, Livelihood and Protection of people’s right).
Ayon kay Atty. Isagani Nerez, national chairman ng AASENSO (Ating Aagapay Sentrong Samahan ng mga Obrero Inc.), noong 2016 ay nag-ayuda sila ng P300,000 para sa medical assistance sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) at additional na P300,000 noong first quarter ng 2017.
Sa Benguet, ang AASENSO partylist ay nag-ayuda rin ng P150,000 sa Benguet General Hospital at P150,000 sa Abatan Emergency Hospital sa Buguias, Benguet.
“Sa kababayan ko sa Baguio, lalong-lalo na sa mga indigents na bagama’t maliit na pondo lamang ito ay malaking tulong at marami na ang matutulungan, dahil mahalaga ito sa taong kapuspalad,” pahayag ni Nerez.
Sa mga gustong makakuha ng medical aid ay magsumite lamang ng medical abstract at certificate of indigents at makipag-ugnayan kay Sammy Bumangil, focal person ng AASENSO Partylist sa Baguio City.
Sa mga community project, kasalukuyang ginagawa ngayon ang Multi-Purpose Building ng Barangay Camdas at Barangay Palma sa halagang P2milyon bawat isa; P2milyon para sa Barangay Tinongdan, Itogon, Benguet at P3milyon para sa flood control project ng lalawigan ng Benguet.
Ayon pa kay Nerez, bukod sa programang HELP ay pagtutuunan naman nila para mapondohan sa susunod na taon ang programang edukasyon, para sa pagpapatayo ng alternative learning center sa lungsod, kabilang na ang education center para sa mga Muslim.
“Mas mainam na may sariling learning center ang mga Muslim para mahikayat natin ang mga kabataan na mag-aral, sa halip na nakikita natin sila sa lansangan,” paliwanag pa ni Nerez.
Sa Ilocos region ay nag-ayuda ang partylist sa proyektong flood control sa Laoag City na P3milyon; P2milyon na Multi-Purpose Hall sa bayan ng Sarrat at P2milyon sa Badoc Elementary School; P2milyon sa Bugallon Elementary School sa Pangasinan at P20milyon flood control sa 2nd district ng Pangasinan. ABN/Zaldy Comanda

RELATED POSTS

AWARDED

AWARDED

Pinarangalan ng city government ang AZKCO Barangay bilang 1st Runner-up ng Best Lupon Tagamapayapa Incentive Award sa ginanap na Search...

TEA HOUSE KITCHEN BY CHONA

TEA HOUSE KITCHEN BY CHONA

is now open at Lower Ground Sunset Terraces of SM City Baguio. We can savor our all time favorite palabok, pansit, spaghetti, Chona’s...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest