Kaabang-abang ang planong pagtatayo ng kauna-unahang offshore wind farm sa Pilipinas– ang North Luzon Offshore Wind Power Project (NLOWPP) — ng pribadong PetroGreen Energy Corporation (PGEC) kasosyo ang
banyagang Copenhagen Energy (CE) sa Burgos, Bangui, at Pagudpud, Ilocos Norte. Isang daang lumulutang lutang na offshore wind turbine generators na makakakapagluwal ng 15-18 megawatts bawat-isa ang mabubuo at gagana sa 2030. Maghahatid ang 100 turbina ng 1,500-2,000 megawatts ng malinis at sustenableng kuryente sa Luzon grid.
Lalong ilalagay ng North Luzon Offshore Wind Power Project sa pedestal ang Ilocos Norte bilang “Renewable Energy Capital of Southeast Asia”, matapos ang tagumpay ng kauna-unahang wind farm sa Southeast Asia sa bayan ng Bangui na itinayo ng NorthWind Power Development Corporation ni Atty. Ferdinand Dumlao noong 2004, at mga sumunod pang mga wind farms sa probinsya. Ayon kay Ilocos Norte governor Matthew Marcos Manotoc, bukod sa lalong pagpapatatag renewable energy portfolio ng probinsya, bababa pa lalo ang bayaring kuryente at maghahatid pa ito ng karagdagang trabaho ng mga Ilocano.
Higit sa lahat lalo pang dadayuhin ng mga turista ang Ilocos Norte at buong Northern Luzon dahil dito, ayon kay La Paz, Abra Mayor JB Bernos, tagapangulo ng Solid North partylist na nangungunang tagapagtaguyod ng malusog na
turismo at progreso sa Northern Luzon. Nakikita ng Solid North ang napakalaking potential ng pinakabagong renewal energy project sa Northern Luzon upang lalo pang mapaunlad ang mga probinsyang makikinabang dito. Tiyak na mitsa pa ito ng mas masigla pang kalakal at investment opportunities sa Regions 1, 2 at CAR, ani pa ni Mayor Bernos, na tagapangulo din ng League of Mayors in the Philippines (LMP).
Nanawagan lamang ang GO NORTH ang pagsaalang-alang at pagtitiyak sa pantay na timbang ng kapakanan ng host
communities na direktang maapektuhan at ng kalakhang pakinabang nito sa ekonomiya ng Northern Luzon at ng bansa.
November 23, 2024
November 23, 2024
December 8, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024