ABRA MUNICIPAL COUNCILOR TIMBOG SA ILIGAL NA ARMAS

CAMP DANGWA, Benguet – Isang municipal councilor, kasama ang dalawa nitong kamag-anak ang sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o’ the Comprehensive Firearms and Ammunition Act of 2013, matapos mahulihan ng mga dekalibreng baril sa search
warrant operation na isinagawa ng Police Regional Office-Cordillera Regional Intelligence Division sa Barangay Narnara, Pilar, Abra.
Nabatid kay PROCOR Regional Director BGen. Ronald Oliver Lee, ang mga nadakip ay sina George Dela Rosa Sotelo, 43, incumbent Sangguniang Bayan member ng bayan ng Pilar; Ferdinand Sape Dela Rosa,40 at Paterno Castilla Sotelo,63.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Maria Ligaya V. Itliong-Rivera ay magkakasabay na isinagawa ang operation noong Oktubre 18 sa mga bahay ng mga suspek.
Nakuha ng mga operatiba sa bahay ni Councilor George Sotelo ang isang M1A1 Elisco baby armalite na may apat long magazine; tatlong short magazine, at 134 pcs live ammunitions; isang cal .45 M1911 A1 na may tatlong magazine assembly at 20 pcs live ammunitions; isang cal .9mm LLAMA na may isang magazine assembly at 5 bala; 2 pcs long magazine of carbine; two pcs short magazine of carbine at 13 pcs live ammunitions of carbine rifle.
Sa bahay ni Dela Rosa ay narekober naman ang dalawang cal 5.56mm M16 rifle, 2 long magazine assembly, 1 short magazine assembly at 71 pcs live ammunitions, samantalang sa bahay ni Paterno Sotelo ay nakuha ang isang 1 cal 45 Colt na may magazine loaded at 7 bala.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon