ACETYLENE GANG, TUMIRADA NG PAWNSHOP SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Muling tumirada na naman ang Acetylene gang sa kasagsagan ng malakas na ulan ng bagyong Betty, na ang biktima ay ang Palawan Pawnshop sa may Slaughter Compound Baguio City. Nadiskubre kaninang umaga, Hunyo 2 ng mga empleyado ang nagkalat na kagamitan sa loob ng
pawnshop at nawawala ang mga mahahalagang kagamitan. Ayon sa pahayag ng empleyado, simula pa noong Lunes,Mayo 29, ay nagsara na sila dahil sa bagyong Betty at nitong Biyernes na muling
magbubukas.

Agad na inireport ito sa Ctation 2 ng Baguio City Police Office at agad na nagsagawa ng imbestigasyon at nakita ang isang malaking butas sa likuran ng opisina ng pawnshop. Binuksan din ang drainage system di-kalayuan sa lugar para makita ang lagusan ng butas na posibleng dinaanan ng mga suspek. Ayon naman sa pahayag ng katabing opisina ng pawnshop na may naririnig silang parang may kumakatok tuwing gabi sa kasagsagan ng malakas na ulan. Ginawa nilang lumabas para tignan kung may tao sa labas pero wala silang nakita.

Hindi rin nila inakala na may bumubutas na pala sa ilalim ng pawnshop. Sa inisyal na ulat, nasa P50,000 ang natangay ng mga suspek at tinangkang buksan ang Vault pero di na buksan. Tatlong kalalakihan ang pininiwalaang nanloob sa pawnshop, base sa CCTV na nakita sa loob ng pawnshop.

Darius Bajo /ABN

Amianan Balita Ngayon