ADSG KUMILOS SA PAGSUGPO NG ESTIGMA SA MENTAL HEALTH

BAGUIO CITY

Nakibahagi ang mga volunteers ng Anxiety and Depression Support Group (ADSG)- Baguio sa Session Road in Bloom, para makatulong sa nangangangailangan ng kanilang serbisyo sa
pamamagitan ng isinagawang Mental Heatlh Awareness na noong Pebrero 27 hanggang Marso 5.
Ang ADSG ay itinatag ni Ricky Ducas noong 2019 upang matigil ang mental health estigma sa lungsod ng Baguio City.

Siya rin ay gumawa ng paraan upang magsama-sama ang mga kabataan at iba pang “age group” na mabigyan ng atensyon ang mga taong nangangailangan ng tulong patungkol sa kanilang mental
health. Ayon kay CJ Fernandez presidente ng ADSG, “Since tumataas na po yung suicide rates simula nung pandemic, kami pong youth, we are working to provide mental health care para sa lahat lalo na sa kabataan ngayon.”

Dagdag pa niya, “Since I know that everyone have silent battles nandito po yung support group to be there to people who needs our support the most and syempre para maalis na din yung stigma dito sa city natin. Since mental hindi masyadong napag-uusapan, ito po ay one way para po maalis
yung stigma dito sa Baguio.” Sa ngayon, mayroon ng 40 miyembro ang ADSG-Baguio at nakipag-ugnayan din umano sila sa mga LGU’s kagaya ng Local Youth Development Council (LYDC), Health
Services Office (HSO), nurses, volunteer psychologists, psychiatrist, at iba pang mental health care professionals.

Sa pakikipag-ugnayan sa Health Services Office (HSO), maliban sa mental health awareness campaign, nagkaroo din ng libreng serbisyo sa kanilang booth kagaya ng “It’s Ukay to not be Ukay”, Free HIV Screening, Smoke-free Baguio campaign, at COVID-19 vaccination. Aniya, “Ang malilikom na funds dito ay gagamitin to pioneer mental health related project since si Sir Ricky, siya yung magle-lead to save vagrants po with psychological problems dito sa city. So it is one way to support ang pangangailangan ng mga may mental health disorder as well yung iba pa pong sector sa city.” Ang ADSG ay kasalukuyang bukas para sa mga boluntaryo na gustong itaguyod ang kalusugan ng isip (mental health), “You are welcome to join.”

Kate Madisson Lamigo-UB Intern

Amianan Balita Ngayon