LUNGSOD NG BAGUIO – Inihahanda na ng kagawaran ng agrikultura ang mga magsasaka upang harapin ang epekto ng Asian Free Trade Agreement (AFTA).
Sa napipintong pag-alis sa espesyal na trato sa produktong bigas sa taong ito, ang mga magsasaka ay maigting na naghanda para makipagsabayan sa malalaking bansa na nagtatanim ng bigas tulad ng Vietnam at China.
“The department has been investing in capacitating the rice farmers to produce and market their produce pursuant to the AFTA protocols and standards,” ani Edwin Franco, DA focal person ng commercial rice sa Cordillera.
Nagkakahalaga ng P7 kada kilo ng palay ang ginagastos ng mga bansang malalaki ang napo-produce na bigas kumpara sa P11 dito sa bansa.
Para mabawasan ang gastos, hinimok ng DA ang mga magsasaka na lumipat sa mechanized farming.
Ayon kay Ruben Dulagan ng DA-Cordillera agri-business and marketing assistance division, ang isa pang maaaring makatulong sa mga magsasaka para umangat ang kanilang ani ay sa pamamagitan ng masidhing suportang pang-irigasyon at gumamit ng mataas na kalidad ng binhi. Ngunit tila hindi pa rin ito sapat para pahinain ang epekto ng AFTA sa mga lokal na magsasaka, aniya.
Paliwanag pa ni Dulagan, ang ibang bansa ay iniaangkat lamang ang kanilang sobra at kinakailangan ding ipatupad ang standard quarantine na siyang natatanging limitasyon.
Idineklara naman ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na ang pag-aangat ng quantitative restriction (QR) ay hindi kakatigan, sa halip ay isusulong ng pamahalaan ang Executive Order No. 190 na nagpapataw ng taripa para sa imported na mga produktong pang-agrikultura, kabilang na ang bigas.
Ayon pa sa kagawaran, kahit aalisin ang QR sa darating na Hunyo 30, 2017, hindi magkakaroon ng unregulated importation sa bigas nang walang implementasyon sa pagbabago sa Tariff Code. Ace Alegre / ABN
February 25, 2017
February 25, 2017
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024