After-care program, patuloy para sa mga drug surrenderers

Nov 25, 2017

Patuloy na tinutulungan ang halos 2,380 drug surrenders sa lungsod, sa pamamagitan ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan, national government agencies at private sector, para sa lubusang pagbabago ng mmga ito mula sa paggamit ng ilegal na droga.
Sinabi ni Florecita Tul-an ng Office of the City Social Welfare and Development (OCSWD), sa ginanap na flag raising ceremony sa City Hall noong November 20, “since the start of the war on drugs of President Rodrigo Duterte, the city through the OCSWD was able to establish a community-based rehabilitation program for the drug surrenderers”.
Nabanggit niya na sa 2,380 surrenderers, 46 dito ay mga menor de edad.
Ang drug rehabilitation program ng lungsod, ayon pa kay Tul-an, ay nagsimula kasama ang Baguio Emergency Response to Addiction at naging Integrated Participatory Community Building Program, na ngayo’y ipinapatupad sa tulong ng mga government organizations, non-government organizations at faith-based groups na nagtutulungan para sa rehabilitation ng mga drug surrenderers.
Ayon pa rin kay Tul-an, bukod sa rehabilitation, ibinibigay din ang after-care services upang isama ang self-employment assistance, food aid, financial assistance sa pamamagitan ng pagtulong sa mga indibiwal sa crisis situation, participatory leadership development training, counseling services at community volunteer resource development.
Ang mga surrenderers ay mabibigyan din ng referrals para sa medical assistance, emergency shelter assistance at referral para sa Technical Education and Skills Development Authority and Alternative Learning System, bukod pa sa ibang practical skills trainings upang maipagpatuloy nila ang normal na pamumuhay na walang ilegal na droga.
Samantala, hinimok ni Mayor Mauricio Domogan ang lahat ng sektor sa lungsod na ipagpatuloy ang pagtulong upang mawakasan ang problema sa ilegal na droga.
Inalala pa niya na noong nagsisimula pa lamang si Presidente Duterte para sa anti-drug campaign, ang lokal na pamahalaan ay nagsagawa ng mandatory drug testing sa lahat ng mga opisyal at empleyado upang malinis ang problema sa droga.
“Those who came out positive have undergone the community rehabilitation program and I was told that they are now part of the resource persons helping the others who are undergoing rehabilitation,” ani Domogan.
Hinimok pa ng mayor ang mga trabahador ng lungsod na lumayo sa mga ilegal na droga at tulungan ang mga taong nasa rehabilitation upang matapos nila ang programa at upang muling makabalik sa normal na pamumuhay na malaya mula sa illegal substances. PNA / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest