Agaw bahay, bagong kontrobersiya!

Apr 8, 2017

Haayyy buhay, kung ano-anong kontrobersiya na ang naging bida sa lahat ng mga tsismisan at umpukan sa nakalipas na mga araw. Ang pinakahuli nga ay yung “palit ulo” sa kampanya vs. droga. Kung uso rin sa mga blotter ng pulisya ang kasong “agaw-armas” at “agaw-puwesto” sa trabaho, may nagbabaga pa ngayong bagong “agaw”. Ito ang “agaw bahay”! Mariakusina, akala ko agaw-lote lang. Pati bahay pala, isinama. Ano ire? Sige, halukayin natin, hane?

**********

Unang linggo ng Marso sa kasalukuyang taon, nang inukupahan ng mahigit limang libong Kadamay members ang mahigit ding limang libong housing units sa Pandi, Bulacan. Ang naturang pabahay na ginawa ng gobyerno ay laan sa mga sundalo at pulis. Pero parang kidlat ang balita na nandun na sa units ang mga miyembro ng Kadamay – Kalipunan ng Damayang Mahihirap. Nagkaroon ng komprontasyon at mga pagtuligsa sa naturang kaganapan. Nagmatigas ang mga taga-Kadamay at ayaw lisanin ang pabahay. Ang katuwiran nila: bakante raw naman ang mga pabahay at tila ayaw tirahan ng mga sundalo at pulis kaya dapat daw ay ipamahagi na lamang ito sa mahihirap na matagal ng walang bahay. Sabi ng mga legalista: illegal ang naganap. Nakalaan sa mga pulis at sundalo ang pabahay hindi sa kung sino pa man dahil idinaan ito sa masusing pag-aaral, letigasyon sa kongreso at pagsasakatuparan sa proyekto. Kahit pa raw may pagkukulang ang pamahalaan kung bakit tiwangwang ang mga housing units, isang illegal na hakbang ninuman na basta pasukin at angkinin na lamang ito. Pero ano ang naging hakbang ng pamahalaan? Ayon kay Pangulong Duterte: hindi na raw babawiin ang mga bakanteng housing units sa mga umuukopang Kadamay members. Susmaryusep!!!

**********

Parang putok ng bulkang sumabog ang mensaheng binitawan ni Pres. Digong sa ika-129 taong anibersaryo ng Phil. Army kamakailan. Sabi ng pangulo: “I will build them new, better homes.” Patungkol sa mga pulis at sundalong nawalan ng pabahay. Dagdag pa ng pangulo: I ask the soldiers to let go of the housing units occupied by Kadamay members in Bulacan. Bigyan ko kayo ng mas maganda, mas konting mahal, mas komportable, at mas malaki (na housing). Do not be offended. Take it with an open mind. Ako na mismo inyong president nakikiusap, let’s not wage fight vs. our own people.” Mabigat, di po ba? Marami ang napanganga at nagulat sa mensaheng ito ng presidente at sa panig ng mga Kadamay, tiyak sila lahat ay natuwa at nagpasalamat. Aba’y mantakin mong wala silang kahirap-hirap, basta na lamang inukupa at gusto ng angkinin ang mga housing units na para sa mga sundalo at pulis? Saan nila daw kinuha ang kanilang lakas ng loob na gawin ito? At anong ginawa ng pangulo? Ibibigay na lang basta (nang libre) ang units?

**********

Katakot-takot na mga batikos, tanong at upak ang kasunod sa desisyon ng pangulong Digong. Sabi ng marami: pera ng buong bansa (taxpayers) ang ginastos sa pabahay. May pinaglaanan. Hindi napunta sa kanila kundi inagaw ng iba. Hindi sila naparusahan. Ibinigay pa sa kanila ang inukupahang pabahay. Papaano na lang kung ganyan din ang gawin ng iba pang grupo para pasukin ang iba pang pabahay ng gobyerno? Di kaya babagsak tayo sa anarkiya? Sabi ng isang senador, itutuloy nila ang kanilang imbestigasyon sa Kadamay issue kahit pa may basbas na si Digong sa kanila. Sabi ni Sen. Richard Gordon: “Kinukuha yung bahay na ginagawa ng NHA (National Housing Authority), ibibigay mo dun sa mga nanggugulo. Bad signal, Mr. President. Nadadapa ka sa sarili mong espada because pagka ganiyan, that’s a ticket to what you call anarchy!” Sa ganang amin, lahat ay dapat sumunod sa batas at tamang proseso para magkaroon ng bahay. Isang kasalanan ang pagiging mahirap kung tayo ay tamad at di marunong magsikhay. Amen. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest