Ala-Gestapo na grupo laban sa kritiko ng gobyerno binuhay

Oct 14, 2017

Isang grupo na ala-Gestapo ang binuhay ng gobyerno upang habulin ang mga kritiko at oposisyon ng gobyerno, ito ang babala ng militanteng Bagong Alyansang Makabayan.
Noong Oktubre 9 ay pinirmahan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang isang memorandum para likhain ang Interagency Committee on Legal Action na ayon sa Bayan ay isang pagbuhay sa Interagency Legal Action Group na binuo ni dating pangulo Gloria Arroyo noong 2006.
Ang bagong likhang Interagency Legal Action Committee ay layong magpila ng mga kaso laban sa New People’s Army at iba pang armadong grupo.
Subalit sinabi ni Bayan secretary general Renato Reyes na “if we go by the track record of its predecessor the IALAG, the Committee will likely end up as an instrument of political persecution.” Magiging isang Gestapo o secret police ito ng rehimen ni Duterte na tututok sa mga kritiko ng gobyerno, dagdag pa ni Reyes
Ang IALAG sa ilalim ni pangulong Arroyo ang sinisi sa pagpila ng diumano’y imbentong kaso laban sa maraming legal activists kabilang na ang Batasan 6, isang grupo ng progresibong partylist, mambabatas at ilang makakaliwang personalidad.
Inirekomenda ni United Nations Special Rapporteur Philip Alston noong 2007 ang abolisyon ng IALAG dahil walang ibang hangad ito kundi ang “usigin ang kaliwa.”
Noong 2008 matapos ang matinding international pressure ay nagpasa ang US congress ng batas na hinihiling na ang United States Military aid ay maging kundisyon sa implementasyon ng ulat ni Alston maging ang abolisyon ng IALAG.
Kasunod nito ay binuwag ni Arroyo ang IALAG noong Mayo 15, 2009.
Dahil sa lubos na nakakadismayang sitwasyon ng karapatang pangtao sa ilalim ng rehimeng Duterte, ang pagbuhay sa Interagency Committee on Legal Action ay hindi malayong matutulad din sa IALAG, pagdidiin ni Reyes. “It will be used to clamp down on dissent from Duterte critics through the filing of trumped-up charges and other forms of harassment.”
Ang inter-agency group ayon sa Bayan ay isa na namang aspeto ng paniniil sa ilalim ng US-backed Duterte regime, at nagbabalang dapat maging mapagmasid ang tao at labanan ang politikal na pag-uusig at lahat ng uri ng paniniil.
Bagkus ay sinabi ng Bayan na dapat tanungin ng international community ang kasalukuyang administrasyon kung bakit binaliktad nito ang isang mahalagang rekomendasyon ng UN Special Rapporteur. Dapat hilingin ng mga human rights activists dito at sa ibang bansa na itigil ang US military aid sa Pilipinas dahil dito at iba pang katulad na pangyayari. ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest