Alin ba ang totoong balita?

Ang ginawang pagsusunog ng pinaghihinalaang mga miyembro ng rebeldeng NPA sa dalawang truck ng Philex Mines ay maraming idinulot na pagkalito sa mga tao.
Ang ginawang pagtugis diumano ng mga awtoridad sa mga suspek ay humantong sa Camp 4 Tuba at napabalitang nagkaroon ng engkuwentro at napabalitang diumano ay walo ang napatay sa mga rebelede.
Ang lahat ng ito ay hindi kinumpirma ng mga opisina ng PRO-COR o ng Benguet Provincial Police Office o ng Mayor ng Tuba.
Hindi nagkakatugma ang mga balita at lubhang hindi mabuti ito sa mga mamamayan at sa etiko ng pamamahayag dahil nagdudulot ito ng pagkabaha-bahagi at pangamba sa tao.
Maging masinop at magbalita ng pawang katotohanan ang mga mamamahayag para na rin sa kapakanan ng mas marami.

Amianan Balita Ngayon