Tulak ng droga, timbog sa P136,000 shabu sa Baguio
BAGUIO CITY
Nasakote ng operatiba ng Regional Drug Enforcement Agency ang isang high value drug pusher dahil sa pagbebenta ng 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000 sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Campo Filipino Baguio City, noong Pebrero 5. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Michael Bulatao na galing sa La Union na naglalako ng ilegal na droga doon at sa Lungsod ng Baguio. Ang suspek ay kilala rin bilang isang recidivist na nahuli sa ikatlong pagkakataon. Narekober sa suspek ang boodle money na nagkakahalaga ng P64,000.00, genuine P500 bill, cellphone na ginamit sa transaksyon at ang pouch kung saan niya itinago ang gamit. Paglabag sa Section 5 ng Article 2 ng Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek na nasa kustodiya ngayon ng Baguio City Police Station 1 para sa kaukulang dokumentasyon.
Zaldy Comanda/ABN
February 9, 2024
February 9, 2024
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025