AMIANAN POLICE PATROL

Oct 2, 2022

College student,driver, farmer, huli sa P19.8M marijuana sa Kalinga 

TABUK CITY, Kalinga – Hindi nakalusot ang isang college student at driver nito, maging ang isang farmer na ipuslit ang dala nilang marijuana bricks, matapos magkasunod na naharang sa checkpoint ng mga alertong tauhan ng Kalinga Provincial Police Office. Ayon kay Col.Charles Domallig,provincial director, sa ulat nito kay BGen.Mafelino Bazar,regional director ng Police Regional Office-Cordillera, unang nasabat sa checkpoint noong Setyembre 24 sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga, ang biyaherong sina Richard Ilagan Dela Cruz, 24, college student, ng Barangay 185, Calooca City at Dario Orpanel
Gadingan, 44, driver, ng Barangay Malaria, Caloocan City.

Sinabi ni Domallig, ang mga suspek ay lulan ng pulang kotse na may plakang ABP 4362 para ipuslit ang marijuana bricks na kanilang nabili sa sa bayan ng Tinglayan patungong Maynila via Tabuk City, Kalinga.
Narekober sa loob ng sasakyan ang mga sako na naglalaman ng 138 piraso ng marijuana bricks na tumitimbang ng 138,000 gramo na may halagang P16,560,000.00 at anim na piraso ng tubular marijuana dried dahon at tangkay na may kabuuang timbang na 6,000 gramo na may halagang P720,000.

Ayon pa kay Domallig, isang magsasaka naman ang hinihinalang maghahatid ng P2.6 milyong halaga ng marijuana bricks sa kanyang kliyente, ang naharang din police checkpoint sa Sitio Dinakan, Barangay. Dangoy, Lubuagan, Kalinga noong Setyembre 29. Kinilala ang naarestong suspek na si Ersilias Maccay
Baccoy, 36, magsasaka, at residente ng Barangay Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga. Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Lubuagan Municipal Police Station (MPS), 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Provincial Intelligence Unit (PIU) na ang suspek ay lulan ng kanyang motorsiklo habang may bitbit na sako ng marijuana mula sa Tinglayan na papunta sa Tabuk City, Kalinga.

Nakumpiska sa suspek ang 22 piraso ng marijuana bricks na may timbang na 22,000 gramo na may presyong P2,640,000.00. Labis na pinuri naman ni Bazar ang mga operating units ng Kalinga PPO sa kanilang masigasig na pagsawata sa mga nagtatankang magpuslit ng marijuana at Iniutos din nito ang
patuloy na marijuana eradication sa mga plantasyon ng marijuana sa Kalinga.

Zaldy Comanda/ABN

 

 

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest