AMIANAN POLICE PATROL

High Value Target, nalambat sa drug-bust sa Baguio

BAGUIO CITY – Muling nalambat ng magkasanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Sration 2 ng Baguio City Police Office ang isang High Value Target drug personality sa isinagawang buy-bust operation, noong Oktubre 13 sa Barangay Quirino Hill, Baguio City. Sinabi ni PDEA Regional Director Gil Castro, naaresto ang suspek na si Daniel Tan Cole sa drug sting dakong 6:30 ng
umaga, matapos ang mahabang pagbabantay sa pagiging drug pusher.

Nabatid na si Cole na isang half American ay labas-pasok na sa kulungan kaugnay sa pagbebenta umano nito ng droga. Sinabi ni Castro, narekober ng mga operatiba sa kanyang possession ang dalawang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na humigit kumulang anim na gramo ang bigat at may Standard Drug Price na P40,800.00. Narekober din sa mga suspek ang buy-bust money, isang cellular phone at isang motorsiklo.

Ang operasyon at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya ay sinaksihan nina Quirino Hill Barangay Kagawad Eddie Alos at kinatawan ng DOJ na si Pros. Sigwil Canawil. Kasong Sec.5 at 11 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa suspek.

Zaldy Comanda/ABN

HULI ULIT

Ini-imbentaryo ng mga tauhan ng PDEA ang droga na nakumpiska sa suspek na si Daniel Tan Cole, na half American at labas-pasok sa kulungan,matapos malambat sa ikinasang buy-bust operation sa may Barangay Quirino Hill,Baguio ity,noong Oktubre 13.

Photo by PDEA/ABN

Amianan Balita Ngayon