AMIANAN POLICE PATROL

Nov 19, 2022

Negosyante, arestado sa buy-bust operation sa Benguet CAMP DANGWA Benguet

Nakakulong ngayon ang isang negosyanteng babae matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Benguet Provincial Police Office sa Barangay Pico, La Trinidad, Bengiet noong Nobyembre 16. Kinilala ang nadakip na si Jay Anne Ceriaco Alindayo, 29, negosyante, residente ng Dominican, Baguio City.

Sinabi ni Col Damian Olsim, provincial director ng BPPO, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa presensya nina Prosecutor Elnora Mangallay, at Barangay Kagawad Walter Angway ng Brgy. Pico, La Trinidad, Benguet na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkumpiska ng mga sumusunod na ebidensya. Isang plastic sachet ng hinihinalang dhabu na may bigat na 2.5 gramo na may Standard Drug Price na P17,000.00 ang nabawi sa pagbebenta ng suspek sa isang poseur-buyer. Narekober din sa suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 7.5 gramo na may halagang P34,000.00 at boddle money.

Zaldy Comanda/ABN

29 wanted persons nalambat sa Cordillera

LA TRINIDAD,Benguet — Dalawampu’t siyam na indibidwal na pinaghahanap ng batas ang naaresto sa isang linggong pinaigting na manhunt operation ng Police Regional Office-Cordillera mula Nobyembre 6 hanggang 12. Sinabi ni BGen.Mafelino Bazar,regional director, ang mga talaan mula sa PROCOR Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), Baguio City Police Office at Benguet Provincial Police Office ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na bawat isa ay
nakapagtala ng walong mga naarestong wanted na sinundan ng Kalinga PPO & Mt. Province PPO na may tig-apat na arestuhin, Abra PPO na may tatlong arestuhin at Ifugao PPO na may dalawang arestuhin.

Itinatampok ang isang linggong manhunt operation ay ang pag-aresto sa apat na indibidwal na nakalista bilang Most Wanted Persons kung saan, isa ay nakalista sa Provincial Level, isa sa Municipal Level, at dalawa sa Station Level. Gayundin, bilang resulta ng pinaigting na presensya ng pulisya at kampanya laban sa kriminalidad, sa parehong panahon, 57 munisipalidad sa Rehiyon ng Cordillera at apat na
istasyon ng pulisya ng Baguio City Police Office ang nagtala ng zero crime incidents.

 

Sa Abra, 22 sa 27 munisipalidad ang nagtala ng zero crime incident habang sa Benguet, 9 sa 13 munisipyo ang nagtala ng zero crime incident. Sa Mountain Province, 8 sa 10 munisipalidad ang nagtala
ng zero crime incident habang sa Kalinga, 7 munisipyo ang nagtala ng zero crime incident. Sa Abra, 6 na munisipalidad ang nagtala ng zero crime incident habang 5 na munisipalidad sa Ifugao ang nagtala ng
zero crime incident. Dagdag pa, Camdas Police Station (PS2); Aurora Hill Police Station (PS6); Naitala ng Kennon Road Police Station (PS8), at Marcos Highway Police Station (PS10) ang zero crime incident
sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

Worker patay sa pagsabog ng binuksang drum

NARVACAN,Ilocos Sur – Patay ang isang construction worker nang sumabog ang binubuksan nitong steel drum sa Barangay Camarao,Narvacan,Ilocos Sur, noong Nobyembre 17. Sa imbestigasyon, binubuksan ng biktimang si Arsenio Carancho,29, ang isang steel drum na ipinamahagi ng local government unit para gawing imbakan ng tubig.

Gumamit ng grinder ang biktima para mabuksan ang drum, subalit hndi pa ganap na nabuksan ito ay biglang sumabog. Dinala sa opsital ang biktima dahil sa timano nitong injury sa mukha,subalit ideneklara itong dead on arrival. Hinihinala na may naiwang hindi pa malamang kemikal sa loob ng drum na posibleng dahilan ng pagsabog.

Zaldy Comanda/ABN

 

RELATED POSTS

ADIVAY GRAND CANAO

ADIVAY GRAND CANAO

Benguet Rep. Eric Go Yap encourages the people of Benguet to support and be one in celebrating the 122nd Benguet Foundation Day as its...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest