AMIANAN POLICE PATROL

12 tulak ng droga arestado sa operasyon sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet

Nakumpiska mula sa 12 tulak ng droga na naaresto sa anti-illegal operation sa Cordillera ang kabuuang 62.76 gramo ng shabu, 10 gramo ng dahon ng marijuana at mga namumunga na may overall standard na presyo ng droga na P427,968 mula Disyembre. 11 hanggang Disyembre 17.
Sinabi ni Brig. Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, anim na tulak ng droga ang naaresto ng Abra Police Provincial Office (PPO), habang tatlong drug suspect naman ang inaresto ng Apayao PPO.

Dalawang drug suspect ang nahuli ng Kalinga PPO at isa ang naaresto ng Baguio City Police Office (BCPO). Sa Abra, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Carlos Reyes Jr., 25; Alexander Agtual, 45; Melvin Agtual, 35; Dominic Barcena, 44; Emmanuel Sabado, 24; at Rolando
Aldaca Sr., 53. Sa Apayao, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Aileen Bali, 26; Francisca Bangngay, 37; at Guadles Marquez, 32. Sa Kalinga, arestado si Maila Tayaan, 21, at isang 15-anyos na babaeng menor de edad, habang naaresto naman si Ivan Aromin, 23, sa Baguio City.
Lahat ng mga naarestong suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

25 wanted person nalambat sa Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet

Nalambat ng pulisya ang 25 wanted person sa rehiyon ng Cordillera mula Disyembre 11 hanggang 17. Sinabi ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) ng Police Regional Office- Cordillera na ang Baguio City Police Office ang may pinakamataas na bilang ng
naaresto na may walo, sinundan ng Benguet Police Provincial Police Office na may anim, Ifugao PPO na may lima, at Kalinga. PPO na may isa.

Ayon kay Capt. Marnie Abellanida, PRO-Cordillera information officer, na dalawa sa mga naaresto sa isang linggong manhunt operation ay most wanted sa probinsya at antas ng munisipyo. Sinabi ni Abellanida bilang resulta ng pinaigting na presensya ng pulisya at kampanya laban sa kriminalidad,
61 munisipalidad sa rehiyon at isang police station ng Baguio City Police Office ang naitala ang zero crime incidents. Sa Abra, 22 munisipalidad ang nagtala ng zero crime incidents, Mountain Province, walo; Benguet at Ifugao, siyam; Kalinga, pito, at anim sa Apayao. Sa 10 police stations sa Baguio, walang naitala na insidente ng krimen ang Station 9 (Irisan).

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon