AMIANAN POLICE PATROL

43 accomplishments naitala ng BCPO anti- criminality operations

BAGUIO CITY

Iniulat ng Baguio City Police Office ang 43 accomplishments sa pagpapatupad ng Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) mula Marso 19 hanggang 28. Isinasaad sa talaan na may kabuuang 15 manhunt operations ang humantong sa pagkakahuli sa anim na indibidwal na nakalista bilang Most Wanted Persons at siyam na iba pang most wanted persons.
Anim na operasyon ng pulisya ang isinagawa bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga kung saan naaresto ang tatlong High Value Individual at tatlong Street Level Individual.

Nasa 4.59 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P31, 212.00 ang nakuha.
Sa kampanya laban sa loose firearms, isang indibidwal ang nahuli habang siyam na baril ang nakumpiska/sinuko. Limang baril ang isinuko sa mga awtoridad para sa pag- iingat bilang bahagi ng “Oplan Katok”. Bukod dito, walong indibidwal ang inaresto sa iba pang operasyon at pagresponde ng pulisya. Hinihimok ng BCPO ang publiko na patuloy na suportahan ang gobyerno sa kampanya nito laban sa lahat ng uri ng kriminalidad upang makamit ang isang ligtas at mapayapang lungsod.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon