AMIANAN POLICE PATROL

36 police officers nagtapos sa investigation basic course

CAMP DANGWA,Benguet

Tanglungpu’t anim na Police Commissioned Officers (PCOs) na may ranggong Police Lieutenant hanggang Police Lieutenant Colonel ang ganap nang sinanay na mga imbestigador matapos makumpleto ang kanilang Investigation Officers Basic Course (IOBC) na isinagawa mula Nobyembre 11, 2022, hanggang Marso 30. Ang mga nagtapos na bumubuo ng CLASS 204-2022 ay
tumanggap ng kanilang mga sertipiko ng pagtatapos sa isang simpleng closing ceremony na ginanap sa Police Regional Office-Cordillera sa Log Cabin sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong Marso 30.

Ang pagtatapos ay dinaluhan ni BGen.Samuel Nacion, deputy director ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Pinuri ni Nacion ang PROCOR sa patuloy na pagsasagawa ng pag-aaral para sa mga tauhan nito upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pag-iimbestiga at kakayahan sa linya ng trabaho ng pulisya.

Bilang highlight ng seremonya, tatlong pulis ang binigyan ng Medalya ng Kasanayan (PNP Efficiency Medal) para sa kanilang outstanding performance sa nasabing kurso na sina Capt. Caroline Puhot, na nakakuha ng 88.49%; Capt. Robert Agdaca,Jr., na nakakuha ng 85.99% at Maj. Efren Cogas, na nakakuha ng 85.73%. Gayundin, iginawad ang mga parangal kay Lt.Col. Rodelio
Olsim, na nagsilbi bilang Class Marcher, habang nakatanggap naman ng katulad na parangal si Maj. Redentor Calixto, bilang class president.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon