18 wanted person huli, 57 bayan nagtala ng zero crime incident sa Cordillera
CAMP DANGWA, Benguet
Labingwalong wanted na personalidad ang inaresto sa isang linggong pagpapatupad ng pinaigting na manhunt operations na isinagawa mula Abril 9 hanggang 15, sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon ng Cordillera. Sa talaan ng Police Regional Office-Cordillera, ang para sa Benguet Police Provincial Office ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may walong wanted person na sinundan ng Baguio City Police Office na may anim na arestado, Abra PPO na may dalawang arestado, at tig-isang arestado para sa Ifugao PPO. at Mountain Province PPO.
Sa mga naarestong personalidad, isang indibidwal ang nakalista bilang Most Wanted Person (MWP) sa antas ng Lungsod. Dahil sa pinaigting na police visibility at kampanya laban sa kriminalidad, 57 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at dalawang istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nananatiling mapayapa dahil naitala ng PROCOR ang zero crime incident sa parehong linggo.
Zero crime incidents ang naitala sa 24 na munisipalidad ng Abra; limang munisipalidad sa Apayao; walong munisipalidad sa Benguet; apat na munisipalidad sa Kalinga; sampung munisipalidad sa Mountain Province; at anim na munisipalidad sa Ifugao. Dagdag pa, ang Naguilian Police Station (PS) 1 at Aurora Hill PS 6 ay nagtala rin ng zero crime incident sa 10 police stations sa Baguio City.
Zaldy Comanda/ABN
April 22, 2023
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024