AMIANAN POLICE PATROL

58 wanted persons nalambat sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet

Limampu’t walong indibidwal na pinaghahanap ng batas ang nalambat sa isang linggong manhunt operation na isinagawa ng Police Regional Office-Cordillera, noong Abril 16 hanggang 22. Batay sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Benguet Police Provincial Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na may 22 wanted person, kasunod ang Abra PPO na may 13 naaresto, Apayao PPO na may sampu; Baguio City Police. Office
na may siyam; Kalinga PPO na may tatlong naaresto, at Ifugao PPO na may isang arestado.

Ayon kay Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director, sa mga naarestong personalidad, sampung indibidwal ang naitala bilang Most Wanted Persons (MWP); kung saan dalawa ay nakalista sa Regional Level, lima sa Provincial Level, at tatlo sa Municipal Level. Samantala, bilang resulta ng pinaigting na police visibility at kampanya laban sa kriminalidad, 57 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at apat na istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nananatiling mapayapa dahil naitala ng Police Regional Office-Cordillera ang zero crime incident sa parehong linggo.

Walang insidente ng krimen ang naitala sa 25 munisipalidad ng Abra; apat na bayan sa Apayao; anim na bayan sa Benguet; walong bayan sa Ifugao; anim na bayan sa Kalinga; at walong bayan sa Mt. Province. Dagdag pa, ang Naguilian Police Station PS, Aurora Hill PS, Kennon Road PS, at Irisan PS ay nagtala rin ng zero crime incidents sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda

 

8 tulak ng droga arestado sa anti-illegal drugs operation sa Cordillera

LA TRINIDAD, Benguet

Arestado ang walong drug personality sa isang linggong pagpapatupad ng pinaigting na anti-illegal drug operations sa Cordillera na isinagawa mula Abril 16-22. Sa talaan ng Police Regional Office-Cordillera, nakumpiska sa walong drug personalities ang kabuuang 17.47 gramo ng shabu at 18.90 gramo ng pinatuyong dahon ng rarijuana at fruiting top na may kabuuang Standard Drug Price na P121, 064.00. Sa walong drug personalities na naaresto, tatlong inaresto ang ginawa ng Abra Police Provincial Office, na sinundan ng Kalinga PPO na may dalawang inaresto at tig-iisang arestado mula sa Apayao PPO, Baguio City Police Office (BCPO) at Benguet PPO.

Sa Abra, kinilala ang mga naarestong drug personalities na sina Jerziad Zyree Pacioles, 21; Edgie Boy Panabang, 20; at isang lalaking menor de edad habang si Herbert Taccalan, 33 ay arestado ng mga operatiba ng Apayao PPO. Sa Benguet, inaresto ng mga operatiba ng Benguet PPO si Alvin Delfin, 30 habang si Harold Jay Savares, 24 ay naaresto ng mga operatiba ng BCPO. Dagdag pa, sina Louie Jet Boy-Oten, 29; at Cristma Suposop, 36, arestado ng mga operatiba ng Kalinga PPO.

Lahat ng mga naarestong suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, sa hiwalay na anti-illegal drug operation, tatlong clandestine marijuana plantation sites ang nadiskubre sa probinsya ng Benguet.
May kabuuang 1, 510 piraso ng fully-grown marijuana plants (FGMJP) na may kabuuang SDP na P302, 000.00 ang natuklasan mula sa mga site na ito. Ang lahat ng ito ay sinunog pagkatapos ng
dokumentasyon.

Zaldy Comanda

Amianan Balita Ngayon