AMIANAN POLICE PATROL

No.3 wanted person na nagtago ng 17 taon, nasakote sa Tarlac City

Arestado ang isang trabahador na umano’y sangkot sa insidente ng pagsabog noong 2006 ang natunton sa kanyang hideout sa Barangay Maligaya, Tarlac City noong Martes, Mayo 16. Kinilala ang suspek na si Sherwin Rosal Ocsona, 40, at residente ng Zone B, San Miguel, Tarlac City. Si Ocsona ay tinaguriang No. 3 most wanted person (MWP) ng Baguio City at No. 1 sa Baguio City Police Office-Abanao Police Station.

Nanguna ang BCPO-City Intelligence Unit (CIU) kasama ang 304th Maneuver Company-RMFB 3 sa pag-aresto sa wanted person sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cecilia Corazon Sumcad Dulay-Archog ng Branch 7, Regional Trial Court, Baguio City ay may piyansang P120,000.
Batay sa impormasyon, ang suspek ay inaakusahan na sangkot sa insidente ng pagsabog sa kahabaan ng Upper Assumption Road, Baguio City, na nagresulta sa pagkasugat ng apat na indibidwal. Matapos ang insidente noong 2006, nagtago ang suspek.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon