AMIANAN POLICE PATROL

P30-M marijuana sinunog sa Kalinga,Benguet

LA TRINDAD, Benguet

Muling naka-iskor ang pulisya ng P30 milyong halaga ng marijuana sa magkahiwalay na marijuana eradication sa mga nadiskubreng plantation sa lalawigan ng Kalinga at Benguet, noong Mayo 31.
Sinalaay ng magkakasanib na tauhan ng Provincial Drug Enforcement at Intelligence Unit ng Kalinga Provincial Police Office (lead unit), ang isang marijuana plantation sa may communal forest ng Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga. May kabuuang 90,000 fully grown marijuana plants ang pinagbubunot at sinunog sa lugar na may kabuuang halagang P18,000,000.00.

Sa Benguet, sinalakay naman ng Kibungan Municipal Police Station,kasama si Barangay Kagawad Rafael Macanas ang plantasyon ng marijuana na nadiskubre sa Sitio Bang-ay, Lebeng, Badeo,
Kibungan, Benguet.  Narekober ng mga operatiba ang apat na bundles ng dried marijuana stalks na nakabalot ng transparent plastic cellophane, na may timbang na 100 kgs at may Standard Drug Price na PhP12,000,000.00.

Zaldy Comanda/ABN

 

43 wanted persons natugis sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet

Apatnapu’t tatlong indibidwal na wanted sa batas ang natugis sa isang linggong pinaigting na manhunt operation na isinagawa ng Police Regional OfficeCordillera noong Mayo 21-27. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Baguio City Police Office (CPO) ang pinakamataas na naaresto na may 16 na naarestong indibidwal, sinundan ng Ifugao Police Provincial Office (PPO) na may walong naaresto, Benguet PPO na may
anim. mga pag-aresto, Abra PPO na may limang pag-aresto, Apayao PPO at Kalinga PPO na may tig-tatlong pag-aresto, at Mountain Province PPO na may dalawang pag-aresto.

Sa mga naarestong personalidad, walong (8) indibidwal ang naitala bilang Most Wanted Persons (MWP); kung saan apat ay nakalista sa Provincial Level, dalawa sa City Level, isa sa Municipal Level, at isa sa Station Level. Samantala, bilang resulta ng pinaigting na police visibility at kampanya laban sa kriminalidad, 59 na munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at limang istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nananatiling mapayapa dahil naitala ng PROCOR ang zero crime incident sa parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa 25 sa 27 bayan sa Abra; lima sa anim na bayan sa Apayao; pito sa 13 bayan sa Benguet; walo sa labing-isang bayan sa Ifugao; anim sa pitong bayan sa Kalinga; at walo sa sampung bayan sa Mt. Province. Dagdag pa, ang Naguilian Police Station (PS) 1, Camdas
PS2, Loakan PS4, Legarda Road PS5, Aurora Hill PS6, at Marcos Highway PS10 ay nagtala rin ng zero crime incidents sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon