No. 4 Most Wanted Person nalambat sa Baguio City
BAGUIO CITY
Isang 35-anyos na lalaki na tinaguriang No. 4 Station Level Top Most Wanted Person para sa 2nd
Quarter ng taong 2023 ang nalambat ng Camdas Police Station (PS 2) ng Baguio City Police Office sa Pinsao Proper, Baguio City noong Hunyo 5. Isinilbi ng mga warrant officer ng Station 2 ang warrant of arrest sa tirahan ng akusado sa Tapao, Barangay West Quirino Hill, Baguio City.
Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court, Branch 4 sa Baguio City para sa krimen na Attempted Homicide na may inirekomendang piyansa ng P36,000.00. Dahil sa pakikipagtulungan ng mga kinauukulang stakeholder na sumuporta sa intelligence gathering sa
pamamagitan ng pagbibigay ng solidong lead para sa imbestigasyon at sa kanyang kinaroroonan, matagumpay na nahuli ang akusado.
Zaldy Comanda/ABN
June 10, 2023
June 10, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023