AMIANAN POLICE PATROL

29 wanted person nasakote sa manhunt operation sa Cordillera

LA TRINIDAD,Benguet

Dalawampu’t siyam na indibidwal na pinaghahanap ng batas ang naakote sa pinaiigting na manhunt operation ng Police Regional Office-Cordillera mula Mayo 28 hanggang Hunyo 3. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang Baguio City Police Office ang may pinakamaraming naaresto na 12 wanted person, sinundan ng Benguet PPO na may walong naaresto; Ifugao PPO na may apat na naaresto; Kalinga PPO na may tatlong naaresto; Mt.Province PPO at Abra PPO na may tig-iisang arestuhin.

Sa mga naarestong personalidad, tatlong indibidwal ang naitala bilang Most Wanted Persons (MWP); kung saan ang dalawa ay nakalista sa Municipal Level at isa sa City level. Ayon kay Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director, sa pinaigting na presensya ng pulisya, 62 munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at apat na istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nananatiling mapayapa, dahil naitala ng PROCOR ang zero crime incident sa parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa tatlo sa anim na munisipalidad sa Apayao; siyam sa 13 munisipalidad sa Benguet; siyam sa 11 munisipalidad sa Ifugao; pito sa 10 munisipalidad sa Mountain Province; at lahat ng munisipalidad sa mga lalawigan ng Kalinga at Abra. Dagdag pa, ang City Police Stations ng Naguilian (PS1), Aurora Hill (PS6), Abanao (PS7), at Irisan (PS9) ay nagtala rin ng zero crime incidents sa 10 police stations sa Baguio City.

Zaldy Comanda/ABN

 

Farmer huli sa droga, baril, bala sa police search operation sa Kalinga

PINUKPUK, Kalinga

Sinalakay ng magkakasanib na tauhan ng pulisya ang bahay ng isang magsasaka sa pamamagitan ng search warrant operation na nag-resulta ng pagkakasamsam ng shabu,baril at bala sa Barangay Taggay, Pinukpuk, Kalinga,noong umaga ng Hunyo 7. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Jerson Angog ng Branch 25,Regional Trial Court,Tabuk City,Kalinga, ay napasok ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Kalinga Provincial Police Office ang bahay ng suspect na si
Clemente Allon Dumalegan,43, na dati nang hinatulan ng paglabag sa Republic Act 9165 at nakalistang High Value Individual drug personality sa lalawigan.

Nakumpiska ng mga operatiba ang mga drug evidence na kinabibilangan ng isang pirasong matchbox na naglalaman ng anim na piraso ng maliit na heat sealed transparent plastic sachet
na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na Isang gramo na may Standard Drug Price na P6,800.00. Nakita din sa loob ng bahay ang Isang pirasong brown yellow tape na naglalaman ng tatlong medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may timbang na 5 gramo na may SDP na P34,000.00; Limang pirasong transparent plastic na naglalaman ng white
crystalline residue na hinihinalang shabu.

Sa kabuuang illegal drugs na nakumpiska ay may timbang na 6 gramo, na may halagang P40,800.00. Narekober naman ng mga operatiba ang Isang Armscor Cal. 45 na may Serial No. 452845SP; isang magazine na naglalaman ng walong live ammunition para sa Cal 45; anim na pcs na live ammunition para sa Cal 45; isang M14 Magazine na naglalaman ng isang 7.62mm live ammunition; isang pirasong hindi nagamit na foil; dalawang pcs na improvised tooter; isang pirasong digital weighing scale; isang improvised clip; isang pirasong gunting;

Isang pirasong itim na pulang supot; isang yellow black pouch na naglalaman ng kabuuang halaga na PhP100,000.00;isang bundle ng pera na may kabuuang P3,400.00; isang pink na pouch na naglalaman ng P2,350.00;isang yellow pouch na naglalaman ng kabuuang halaga na P25,500.00; isang transparent plastic na naglalaman ng kabuuang halaga na P180,000.00. Ang kabuuang halaga ng perang nakumpiska ay P311,250.00.

Ang search operation at paginbentaryo ng mga ebidensiya ay isinagawa onsite sa presensya ni
Clemente at ng kanyang anak na si John Paul Dumalegan na sinaksihan nina Kelvin Welsh Owek, DOJ Representative, Carousel Viteño,media representative at Brgy Kagawad Arthur Bongon ng
Taggay, Pinukpuk, Kalinga.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon