P4.8M marijuana plants binunot sa Kalinga
TINGLAYAN, Kalinga
Isa pang P4.8 milyong halaga ng mga halaman ng marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa isang
plantasyon ng marijuana sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga noong Hunyo 14-15. Ang pagpuksa na tinaguriang PNP OPLAN TARANTAG (Marijuana Eradication) sa ilalim ng PDEA Certificate of Coordination ay isinagawa ng Tinglayan Municipal Police Station, Drug Enforcement/Intelligenence Unit ng Kalinga Provincial Police Office. Binunot ng mga operatiba ang 24,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P4,800,000.00 na tinamnan ng 2,000 square meters na lupa.
Ayon sa ulat, walang nahuli sa nasabing operasyon. Ngunit tiniyak ng Kalinga police na mananagot ang lahat ng may kagagawan ng pagtatanim ng marijuana. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director ng Police Regional Office-Cordillera, bilang bahagi ng Cleanliness in the Community na aspeto ng Internal Cleanliness Policy, magpapatuloy ang operasyon ng marijuana eradication sa buong probinsya. Pinuri ang mga operatiba sa matagumpay na pagpapatupad
ng dalawang magkasunod na pagtanggal ng marijuana sa Tinglayan, Kalinga.
Zaldy Comanda/ABN
76 wanted person nasakote sa Cordillera
LA TRINIDAD,Benguet
Pitungpu’t anim na indibidwal, kabilang ang anim na most wanted na personalidad, ang inaresto
sa magkasabay na manhunt operations sa Cordillera mula Hunyo 11 hanggang 17. Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Benguet Police
Provincial Office ang pinakamaraming bilang ng mga naaresto na may 30 wanted person, na sinundan ng Baguio City Police Office (CPO) na may 25 na arestuhin; Mountain Province PPO
na may pitong pag-aresto; Kalinga PPO na may anim na naaresto; Ifugao PPO at Abra PPO na may tig-tatlong arestuhin at Apayao PPO na may dalawang arestuhin.
Sa mga naarestong personalidad, anim na indibidwal ang naitala bilang Most Wanted Persons (MWP), kung saan apat sa mga ito ay nakalista sa Provincial Level, isa sa City Level, at isa sa Municipal Level. Iniulat din ng Police Regional Office- Cordillera ang 56 na munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at dalawang istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nananatiling mapayapa, dahil naitala ng PROCOR ang zero crime incident sa parehong linggo.
Zero crime incidents ang naitala sa 25 sa 27 munisipalidad sa Abra; apat sa anim na munisipalidad sa Apayao; siyam sa 13 munisipalidad sa Benguet; lima sa pitong munisipalidad sa Kalinga; apat sa 11 munisipalidad sa Ifugao; at siyam sa 10 munisipalidad sa Mountain Province. Dagdag pa, ang City Police Stations ng Aurora Hill Police Station (PS) 6 at Kennon Road (PS) 8 ay nagtala rin ng zero crime incidents sa 10 police stations sa Baguio City.
Zaldy Comanda/ABN
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023