AMIANAN POLICE PATROL

Residente ng Mankayan huli sa illegal na BarilCIDG

MANKAYAN, Benguet

Isang residente ng Mankayan, Benguet ang nahuli dahil sa pagtatago ng mga hindi lisensyadong baril sa kanyang tahanan sa barangay palpaltogan, Pukit Paco sa bayang ito noong Hunyo 27,2023 sa bisa ngt isang warrant of arrest na ibinaba ni Judge Mervin Jovito S. Samadan Executive Judge ng Regional Trial Court first judicial region Dagupan City.

Ito ang naging pahayag ni P/Col. Reynaldo L. Lizardo regional chief ng Criminal Investigation and Detection GroupCordillera na kinilala ang suspek na si Ronnie Galiga Caluza ng Mankayan, Benguet noong umaga ng Hunyo 27, 2023. Sinampahan ng kaso ang suspek sa ilalim ng Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) dahil sa nasabing mga illegal na firearms na nakuha sa kanya.

Ayon kay Lizardo ang mga nakumpiska mula sa suspek ay isang Cal.38 revolver na walang sertial number 6 na bala ng baril, isang Cal.22 na may marking North America Arms Black Widow, 3 na bala ng Cal.22 tatlong live na ammo ng Cal.22 , 9 na bala ng Cal.5.56 , isang itim na pouch at isang black na holster ng Ca.22. Sa ngayon ay nakapiit na sa isang kukungan sa Mankayan Police Station ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso ng suspek.

Amianan Balita Ngayon