AMIANAN POLICE PATROL

4 timbog sa P102,000 halaga ng shabu sa Baguio search operation

BAGUIO CITY

Nagpatupad ng search warrant ang mga anti-narcotics operatives ng Philippine Drug Enforcement
Agency-Cordillera kasama ang Region 1 at Baguio City Police Office na nag-resulta sa pagkaka-kumpiska ng P102,000.00 halaga ng iligal na droga at pagkakaaresto sa apat na indibidwal sa Barangay MRR Queen of Peace, Baguio City noong Hulyo 9. Nasamsam sa drug operation ang 19 na sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 15 gramo at iba’t ibang paraphernalia. Kinilala ang mga naaresto na sina Roy Magallanes, Jeffrey Millabangco, Armi Ranie Catronuevo, at Icel Joy Rivera. Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Zaldy Comanda/ABN

 

2 tulak ng droga sa Tarlac, natimbog sa buybust operation sa Baguio

BAGUIO CITY

May kabuuang P374,000.00 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa dalawang highvalue drug personalities sa Tarlac sa isinagawang buy-bust operation sa Burnham Park, Baguio City noong madaling araw ng Hulyo 11. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rasmia Balang
Ebra, 29, at Adonis De Guzman Abad, 35, kapwa residente ng Tarlac. Sinabi ni Brig.Gen.David Peredo,Jr.,regional director, ang magkasanib na na operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit (lead unit), Regional Intelligence Division, Baguio City Police Office (CPO) at Philippine Drug Enforcement Agency, nagsagawa ng buy-bust sa mga suspek matapos na magbenta ng isang knot-tied plastic cellophane na naglalaman ng 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 50 gramo at Standard Drug Price P340,000.00 sa isang police operative na umaktong poseur buyer.

Sa kanilang pag-aresto, isa pang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng
hinihinalang shabu na tinatayang nasa 5 gramo ang timbang at may halagang P34,000.00 ang nakumpiska sa mga suspek. Ang mga imbentaryo ng mga nakuhang ebidensya ay isinagawa on-site sa presensya ng mga naarestong suspek at sinaksihan ni Barangay Kagawad Cristine Valente ng
Barangay Burnham-Legarda, Baguio City at kinatawan ng media. Dinala sa kustodiya ng CDEU ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa dokumentasyon habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa
kanila.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon