AMIANAN POLICE PATROL

59 bayan zero sa krimen; 14 wanted person huli sa Cordillera

CAMP DANGWA, Benguet

Bilang resulta ng patuloy na anti-criminality operations, ang Police Regional Office-Cordillera ay nagtala ng zero crime incident sa 59 munisipalidad sa rehiyon, samantalang 14 na wanted person ang nalambat sa isinagwang police operation mula Agosto 20 hanggang 26. Batay sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), limampu’t siyam (59) sa
pitumpu’t limang (75) munisipalidad sa rehiyon at tatlong (3) istasyon ng pulisya sa Baguio City ang nakapagtala ng zero crime incident noong mga lugar na ito.

Zero crime incidents ang naitala sa 25 mula sa 27 munisipalidad sa Abra; pito sa labing-isang munisipalidad sa Ifugao; anim sa 13 munisipalidad sa Benguet; lima sa pitong munisipalidad sa Kalinga; siyam sa 10 munisipalidad sa Mountain Province at pitong munisipalidad sa Apayao. Ang city police stations ng Legarda Police Station (PS) 5, Kennon Road PS8, at Marcos Highway PS10 ay nagtala rin ng zero crime incident sa 10 police stations sa Baguio City.

Iniulat din ang pagkakadakip sa 14 na wanted person, kabilang ang dalawang indibidwal na nakalista bilang No. 8 Most Wanted Person (MWP), na parehong nasa provincial level para sa 3rd Quarter ng CY 2023. Sa nasabing mga pag-aresto, pitong wanted person ang nadakip ng Ifugao Police Provincial Office, sinundan ng Baguio City Police Office na may limang na arestado, at Benguet PPO na may dalawang arestado. Sa ngayon, ang mga pulis ng PRO Cordillera ay patuloy na nagsasagawa ng pinaigting na operasyon ng pulisya upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon