P1.3-M halaga ng droga,nasamsam, 3 drug pusher, arestado
CAMP DANGWA, Benguet
Tatlong drug personality ang arestado, samantalang may kabuuang P1,333,328.00 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa lalawigan ng Benguet at Baguio City,noong Setyembre 13. Batay sa mga ulat na isinumite kay Brig.Gen. David Peredo, Jr., regional director, ng Police Regional Office-Cordillera, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Nicholson Tulagan Ngolab, 34, High Value Individual (HVI); Dante Ancheta Panelo, 54, HVI; at Jhayzee Michaels Almoete Jacinto, 20, Street Level Individual.
Sa La Trinidad, Benguet, ang suspek na si Ngolab ay inaresto ng magkasanib na operatiba ng Benguet Police Provincial Office, Regional Intelligence Division, Regional Intelligence Unit (RIU) 14, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera matapos itong magbenta ng isang
sachet ng hinihinalang “shabu” na tumitimbang ng more or less 0.4 gramo na may Standard Drug Price na P2,720.00 sa isang police operative na nagsisilbing poseur buyer.
Samantala, sa Baguio City, inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU)-Baguio City Police Office (BCPO), Irisan Police Station (PS9), at City Intelligence Unit (CIU) ang
suspek na si Panelo matapos itong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang “shabu” na tumitimbang ng MOL 0.72 gramo na may SDP na P4,896.00 sa isang operatiba ng pulisya na nagsisilbing poseur buyer. Dagdag pa, ang suspek na si Jacinto ay inaresto rin sa Baguio City ng magkasanib na operatiba ng BCPO, RIU14, at PDEA CAR matapos itong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang “shabu” na tumitimbang ng MOL 0.84 gramo na may SDP na P5,712.00 sa isang police operative acting.
bilang isang poseur buyer. Lahat ng mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kanikanilang arresting units, habang ang mga kasong paglabag sa R.A. 9165, o
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang inihahanda laban sa kanila. Isang hiwalay na
operasyon ng marijuana eradiction ng mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office sa dalawang plantasyon na naggresulta sa pagbunot ng may 600 piraso ng fully grown marijuana plant na may
halagang P120,000.00 at isang sako ng pinatuyong marijuana na tumitimbang ng 10 kilo na
nakatago sa isang kuweba na may SDP na P1,200,000.00 ang natuklasan sa Kibungan, Benguet.
Ang lahat ng ito ay sinunog ng mga operatiba pagkatapos ng dokumentasyon, at ang mga follow-up na operasyon ay isinasagawa upang matukoy ang mga posibleng nagtatanim ng marijuana. Patuloy din ang pagsasagawa ng barangay visitation at information operations ng mga pulis kaugnay ng anti-illegal drugs campaign ng PNP.
TFP/ABN
September 16, 2023
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024