AMIANAN POLICE PATROL

Photo Caption: WAR MATERIALS – Narekober ng mga tauhan ng 103rd Infantry Mabalasik Battalion ng Philippine Army ang mga war materials at mga subersibong dokumento sa bulubundukin ng Sitio Butol, Barangay Apatan Pinukpuk,Kalinga, noong Disyembre 6.

Photo by 103IB/ABN


War materials,subersibong dokumento ng NPA,narekober sa Kalinga

PINUKPUK, Kalinga

Narekober ng mga sundalo mula sa abandonadong kampo ng New People’s Army (NPA) ang mga war materials at mga subersibong dokumento sa bulubundukin ng Sitio Butol, Barangay Apatan Pinukpuk,Kalinga, noong Disyembre 6. Sinabi ni Lt Colonel Joel Lucas, commanding officer ng
103rd Infantry Mabalasik Battalion sa ilalim ng 5th Infantry Star Division, Philippine Army, sa tulong ng sibilyan ay natuklasan at nasamsam ng mga sundalo habang nagsasagawa ng foot patrol ang abandonadong war maetrials ng mga rebelde.

Narekober sa lugar ang tatlong Anti-Tank/personnel mine CDX1; limang Anti-personnel mines CDX2; isang commercial binocular; 50 metro na nagpapasabog na mga wire; isang Communist Flag; mga subersibong dokumento at iba pang personal na kagamitan. Ayon kay Lucas, ang suporta ng komunidad sa gobyerno at Philippine Army ay isang manipestasyon na nais ng YKalinga na mamuhay sa kapayapaan at pagkakaisa at ang matagumpay na pagkuha ng mga materyales sa digmaan na ito ay nagtatampok sa hindi natitinag na pangako ng batalyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa lalawigan ng Kalinga.

Zaldy Comanda/ABN


 

P1.8M marijuana, shabu nasabat sa Benguet

CAMP DANGWA, Benguet

Nasamsam ng pulisya ang kabuuang P1,826,800 halaga ng iligal na droga at naaresto ang
dalawang drug personality sa isang linggong operasyon ng droga mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2. Sa talaan ng Regional Operations Division, dalawang drug personalities na kinilalang sina Bernard Pallay at Jaydee Espisa, ang arestado matapos mahulihan ng 1 gramo ng hinihinalang
shabu na nagkakahalaga ng P6800.

Iniulat ng Benguet Provincial Police Office na may kabuuang 7,300 piraso ng fully grown marijuana plants at 3,000 stalks na may kabuuang Standard Drug Price na P1,820,000.00 ang nadiskubre sa isinagawang operasyon ng pagtanggal ng marijuana sa lalawigan ng Benguet. Ang lahat ng ito ay sinunog ng mga operatiba pagkatapos ng dokumentasyon, at ang mga follow-up na operasyon ay isinasagawa upang matukoy ang mga posibleng nagtatanim ng marijuana. Gayundin, ang mga tauhan ng pulisya ay patuloy na nagsasagawa ng barangay visitation at information operations hinggil sa anti-illegal drugs campaign ng PNP.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon