AMIANAN POLICE PATROL

Photo Caption: Narekober ng pulisya ang isang explosive cache matapos itong ituro ng sumukong isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa bulubundukin ng Sitio Agura, Barangay Malibang, Pudtol, Apayao, noong Disyembre 13.

Photo by Pudtol PNP/via Zaldy Comanda


 

Explosives cache itinuro ng sumukong rebelde sa Apayao

PUDTOL, Apayao

Narekober ng pulisya ang isang explosive cache matapos itong ituro ng kusang-loob na sumukong isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa bulubundukin ng Sitio Agura, Barangay Malibang, Pudtol, Apayao, noong Disyembre 13. Kinilala ang dating miyembro ng CTG na isang 57-anyos na magsasaka, residente ng Purok 4, Malibang, Pudtol, Apayao, at miyembro ng West Front Committee, KOMPROB Cagayan, KR-CV.

Ayon kay Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director ng Police Regional Office-Cordillera, dahil sa pina-igting antiterrorism campaign ay nakumbinse ng mga tauhan ng 1st Apayao Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit-Apayao PPO, Regional Intelligence Division (RID) -PRO Cordillera, Regional Mobile Force Battalion (RMFB)15, Regional Intelligence Unit (RIU) 14, Pudtol MPS at Provincial EOD and Canine Unit (PECU) Apayao ang pagsuko ng
dating rebelde.

Sa isinagawang interogasyon, ibinunyag niya ang impormasyon sa lokasyon ng isang cache ng mga pampasabog. Agad nagtungo ang mga operatiba sinabing lugar at narekober ang mga war materials na gayan ng Fuse Time Commercial-226 feet; dalawang pcs Grenade Rifle, M76 HE (Mataas na Paputok); isang Grenade rifle, M76, HE w/o pin; isang 60mm Cartridge, HE; tatlong Handheld Radio (Baofeng); at dalawang radio charger.

Ang dating miyembro ng CTG ay nasa kustodiya na ngayon ng 1st Apayao PMFC para sa proseso ng dokumentasyon at debriefing. Nasa kustodiya na ngayon ng Apayao PECU ang mga nakuhang pampasabog, habang nasa kustodiya na ng 1st Apayao PMFC ang mga narekober na handheld radios (Baofeng) at chargers para sa kaukulang disposisyon.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon