P9.4-M shabu,marijuana nasamsam,10 tulak ng droga arestado sa Cordillera
LA TRINIDAD, Benguet Nasamsam ng Police Regional Office-Cordillera ang kabuuang P9,427,027.00 halaga ng iligal na droga, habang 10 drug personalities ang naaresto sa isinagawang anti-illegal drug operations mula Pebrero 18-24. Sa tala ng Regional Operations Division, 10 drug personalities ang naaresto matapos mahulihan ng kabuuang
11.04 gramo ng shabu, na may kabuuang standard na presyo ng droga na P75,075.00. Nabatid sa parehong ulat na walong pag-aresto ang ginawa ng mga operatiba ng Kalinga Police Provincial Office at tig-isa mula sa Baguio City Police Office at Benguet PPO.
Sa nasabing mga pag-aresto, tatlo ang nakalista bilang HighValue Individuals (HVI), habang pito ang nakalista bilang Street Level Individuals (SLI). Samantala, sa magkahiwalay na operasyon ng pagtanggal ng marijuana, natuklasan ang 1,560 piraso ng fully grown marijuana plants, 46,000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, at 6,000 tangkay ng marijuana na may kabuuang SDP na P9,351,997.00 sa mga lalawigan ng Benguet at Kalinga. Lahat sila ay sinunog ng mga operatiba pagkatapos ng dokumentasyon, at ang mga follow-up na operasyon ay isinasagawa upang matukoy ang mga posibleng nagtatanim ng marijuana. Gayundin, patuloy na nagsasagawa ng barangay
visitation at information operations ang pulisya hinggil sa anti-illegal drugs campaign ng PNP.
Zaldy Comanda/ABN
March 2, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024