Anak daw ng kongresista, kulong sa kayabangan!

Nov 17, 2018

Itinanggi ni Pampanga Congressman Carmelo Lazatin na anak niya ang isang lalaking nagmaneho ng isang FJ Cruiser at idinagdag niyang hindi kanya ang naturang sasakyang may plakang 8 o otso.  Ang kanyang mga anak daw ay pawang mga minors pa. Bilang dagdag kaalaman ang plakang 8 (otso) ay iniisyu ng Lower house sa mga kongresistang may sasakyan. Pero ayon sa mga ulat may mga umaabuso dahil dito. Kaya dahil sa nangyari sa Angeles City kamakailan umaksiyon na ang Lower House sa pamamagitan ni House Speaker Gloria Arroyo.  Pinare-recall na niya ang lahat ng mga protocol plates na inisyu ng 16th congress. Dapat lang sundin ng mga kinauukulan bago sila maharap sa asunto. Pero ano ba yong viral video ng abusadong driver na ikinagalit ng ilang nitizens? Sundan:

**********

Kita raw sa viral video na nanggitgit, nagwawala na parang gustong makipagbanggaan ang FJ Cruiser sa mga sasakyang bumabaybay sa Congressional Avenue sa siyudad ng Angeles kamakailan. Maraming motorist ang muntikan nang madamay, maperwisyo at maabala dahil sa kagagawan ng nagmamanehong suspects mula sa humaharurot na FJ Cruiser. Sa imbestigasyon ng pulisya, may plakang 8 ang sasakyang minamaneho ng isang nagngangalang Jojho Valerio na inakala o hininala ng marami na anak siya ng isang kongresista.  Huli din sa CCTV camera na may sinapak ang suspect at sinabing Kongresista ang ama nito. At dahil itinanggi ni Cong. Lazatin ang pagyayabang ng suspect, inaresto ito detenado ngayon sa Angeles City Station 4. Ang malaking katanungan ngayon ay: kanino ang FJ Cruiser na minaneho ni Valerio?  Bakit 8 ang plaka nito? Daplis ng marami, maski pa anong plaka ng iyong sasakyan at maski pa sino ka pa, hindi ka dapat maghari-harian sa daan. Lahat tayo ay may karapatan sa ating mga daan, hindi lang para sa isa o iilang abusado sa lipunan.

*******

Sa ating balik-tanaw marami na tayong nakitang iba’t ibang klase ng plaka ng sasakyan. May mga letrang tatak ng mga ahensiya kasama na ang mga ahensiyang ang responsibilidad ay sa lansangan at mga ahensiyang kontra krimen. Kasama rin ang mga ahensiyang malaki ang impluwensiya sa lipunan na maaring dahil sa kanilang programang makalikum ng pondo para sa kanilang serbisyo sa bayan, naglalabas sila ng mga plaka kapalit ng kaunting donasyon o tulong pinansiyal. Pero bago i-release ang  mga special car-plates, may pipirmahan pang kasunduan na dapat ay huwag itakip ang plakang ito sa original na registered plates ng isang behikulo. Pero may mga nakikita tayong paglabag bagamat hindi naman hinuhuli. Yan nga ang nakapagtataka, pards. May paglabag na sila sa batas-trapiko, bakit hindi sila hinuhuli? Dahil ba sa  nakakabit na ‘special plates’? O dahil sa inaakala ng mga otoridad na malakas ang nagmamaneho ng sasakyan sa ahensiyang nakasulat sa plaka? Tsk tsk, malaking kalokohan ito, mga kabayan, di ba? Dapat, walang sisinuhin ang batas. Walang palakasan. Tanong pa: wala kayang mga ungas na namemeke ng mga plakang yan gaya ng 8 at etseterang matataas na numero? He he, sige nga kung talagang matapang kayo, pekehin ninyo ang plaka ng pangulo ng bansa na 1 (uno) kung anong mangyayari sa inyo pag nahuli kayo. Lalo pa kung si Pres. Duterte ang makakabuking sa inyo, goodbye Earth! Mga abusado sa lansangan, magbago na kayo!!! Adios mi amor, ciao,  mabalos!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest