Ang 5 kongresman, 9 mayor at 54 konsehal na magbabakbakan sa posisyon sa Baguio City

Balitaktakan sa Amianan Opinion

Itong eleksiyon sa lungsod ng Baguio ang sinasabi ng mga hurado at mga tsismoso’t tsismosa na pinaka-‘exciting’ daw dahi malalakas ang mga maghaharap sa mataas na posisyon, oo nga naman napansin ko rin sabi nga ni Ka Pabling malaki ang magiging pustahan ng mga hurado nito at aapaw daw ng kadatungan na ipamumudmod sa mga botante (sana ako rin makatanggap sabi ni Kasamang RMG Dragon).

By the way binabati ko nga pala ang grupo ng Grace Guardians ng Baguio at Benguet ang inyong likod po ay isang miyembro (RMG Thom). Pagbati kay Founding Chairman Gany Nerez na siyang Number 1 na nominee ng AAsenso Partylist, good luck Bro Gany.

Sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy ng mga pulitiko sa Baguio ay dumagsa ang iba’t ibang partido, mayroong independent at mayroong hindi kumpleto ang line up at mayroon din yung tinatawag na nuisance candidates subalit bilang mandato ng Commission on Elections kailangan na tanggapin nila ang bawat Pilipino na maghahain ng kanilang kandidatura na nakasaad sa 1987 Constitution.

Makakatunggali ni re-electionist Congressman Mark Go ng Nacionalista Party, ang walang talo sa pulitika sa nakalipas na 31 taon na si Mayor Mauricio Domogan ng UNA, samantalang hangad naman ni Atty. Nicasio Aliping, sa panayam ng inyong lingkod kinausap umano ni Nick Aliping si Mayor Domogan na ibigay na lang sa mga batang pulitiko ang nasabing ‘laro’ subalit tumanggi umano ang nasabing mayor dahil malakas at kaya pa umano nitong magsilbi sa lungsod.

Si Aliping ay natalo noong nakaraang halalan at sitar in ang opistal na standard bearer ng Liberal Party.

Comebacking din sa pagtakbo sa kongreso si dating mayor Peter Rey Bautista ng Lakas CMD at ang neophyte na si Rafael Wasan na pambato ng PDDS-DPP.

Sa puntong ito tinitimbang sa pagitan nina kongresman Go at Domogan ang magandang laban dahil sinabsabi na mababawasan ang boto ni Domogan dahil dalawa na silang highlander ni Aliping gayundin kay Go dahil hahati sa lowland votes si Bautista ay mahiirapan umungos si Wasan dahil sa mababang popularidad nito.

Si Edison Bilog naman na incumbent vice mayor ay kandidato sa mataas na posisyon bilang Mayor sa ilalim ng PDP Laban, samantalang si Atty. Edgar Avila ng UNA, na nasa unang termino pa lamang sa konsehal, ay naghain din ng kandidatura sa pagka-mayor.

Maging si Atty. Leandro Yangot ng PFP, na No.1 sa city council ay hangad din nito na maging alkalde ng lungsod, samantalang si Atty. Jose Molintas ng LP, na palaging kumakandidato bilang mayor ay muling makikipagsalaran ngayong eleksyon.

Ang mga neophyte na handa ring magsilbi sa lungsod ay sina retired Police Director General Benjamin Magalong ng NPC; retired gov’t. employee Benny Alhambra, Independent; Labio Calingayan ng PDP Laban; Jeffrey Pinic, Independent; at Tony Boy Tabora ng Lakas CMD at dating konsehal ng siyudad.

Sa report ni Zaldy Comanda sa Amianan Balita Ngayon, apat na city councilor naman ang naghangad sa posisyon na vice mayor na sina Elmer Datuin, Peter Fianza, Faustino Olowan at ABC President Michael Lawana. Makakaharap nila si Atty.Rene Cortes at Felizardo Garcia.

Hangad namang mapanatili ang kanilang posisyon bilang city councilor sina Joel Alangsab, Elaine Sembrano, Robert Ortega VI, Art Allad-iw; Benny Bomogao, Lilia Farinas, at Mylene Yaranon.

Makakatunggali nila ang mga dating konsehal na sina sina Betty Lourdes Tabanda, Richard Carino, Fred Bagbagen at Isabelo Cosalan,Jr. at Philian Weygan.

Ang mga baguhan at dati ng kumandidato bilang konsehal pero hangad ay makapag-serbisyo sa lungsod ay sina Zosimo Abratique, Aurora Alambra, Ricardo Bagalawis, Edgar Allan Beltran, Basilio Binay-an, Villamor Bumaglag, Phillip Canuto, Angeline Carino, Vladimir Cayabas, Robin Coteng, Mario delos Reyes, Arthur Dimaguila, Thomas Dumalti, Bernard Ellamil, Jr., Lalaine Estolas, Florentino Farinas, Erickson Ferrer, Marilou Gacad, John Glenn Gaerlan, Edilberto Gapuz, Guillermo Hernandez, Marvin Herrera, Victor Jimenez, Jan Henric Liquete, Caesar Malicdan, Ryan Dale Mangusan, Antolen Mascarinas, Grace Mayos, Michael Medina, Jr., Amy Mondero, Gordon Monserrate, Nicanor Nialla, Ronald Perez, Esteban Somngi, Gueliro Sugano, Teodirico Tan, Connie Tongawan, Gerry Uy, Jonathan Vergara, Christian Villareal at Marvin Yang-ed, at Karminn Yangot.

Samantala, mahigpit ang babala ng Commission on Elections na hindi pa panahon ng kampanya at ito ay magsisimula sa Marso 30 hanggang Mayo 11.

Nagbabala din sa mga kandidato na mahilig sa vote buying para lamang manalo at ang sinuman mahuli ay may kaukulang kaso at pagka-disqualified sa posisyon. Sa kasalukuyan ay wala pang naghahain ng petisyon para sa nuisance candidates.