Ang Banta ng Omicron

Opinion

GANITO KALUPIT ang Delta nito lamang tatlong buwan ang nakararaan, ngunit sa loob lamang ng halos ay tatlong linggo, parang magkakasunod na lindol ang sumabog sa ating kamalayan nang biglang naging bukam-bibig ang Omicron.

Sabi ng nakararaming may alam, na dapat nating suriing mabuti kung nag-aalam alaman lamang, higit na mabilis kung makapanghawa ang Omicron kaysa Delta na kumitil ng daan-daang libong tao sa buong mundo.

Kung ganoon kabilis ang mala-bullet train na variant na ito, hindi rin matatawaran ang kakayahan nito upang makapaminsala ng higit pa sa
pinagsamang Alpha, Beta at Delta. Ang sinasabi ng mga health experts, ayon na rin sa kanilang pananaliksik, tila mas mapaminsala ang Omicron, at ang mga sakit na super-seryoso ay dagliang nagiging kritikal kapag nasapian ng super variant na kayang gumawa ng mahigit na 50 mutants.

Sa ngayon nga ay tila naging super-active ang Amerika upang masugpo ang Omicron. Webes lamang ay nagpahayag ang President Joe Biden ng mga pinaigting na paghahanda upang ang lumalaganap na Omicron sa bansa ay mapigilan.

Una, palakasin ang bakunahan, na sa ngayon ay lampas lamang ng 60% ang bilang ng mga bakunado. Pangalawa, isalang ang kanilang mga mamamayan sa aggressive testing, na ang panggagalingan ay isang malawakang pagbibigay ng libreng covid test, para nga naman kanilang malaman kung ang mga test result ay magtuturo ng tamang resulta.

Pangatlo, ang mga ospital ay bibigyan ng mga tropang medical sa puwersa ng military, bilang dagdag tauhan sa mga health and medical workers na tiyak namang pagod na pagod na sa pag-aasikaso ng mga covid patients.

Dapat na obserbahan ng Pinas ang mga naipahayag na mga estratehiya uumpisahan bukas. Kapansin-pansin na tila ang atensyon ng gobyerno ay ang hagupit ng Odette sa Bisayas at Mindanao, ang kalunos-lunos na sitwasyon na ngayon ay nararanasan ng ating mga kapatid Pilipinong taga-roon.

Patuloy ang pagbagsak ng noon lamang ay paakyat na bilang ng mga kasong nakapitan ng covid; wala pa namang naitalang pasyente na may Omicron, gayung 2 pasahero ang nakumpirmang may Omicron ng sumailalim sa testing.

Kung anuman ang banta ng Omicron, ito ay masusing binabantayan, kasama na ang mga ordinaryong Pilipino ang tanging hangarinngayong Kapaskuhan ay ang mairaos ang selebrasyon sa sitwasyong hindi mag-reresulta sa hawaan ng pami-pamilya, lalo na at usong-usong ang pagtitipong hagalpakan ng tuwa, pagsasabog ng kanya-kanyang istorya, pagpapalitan ng mga regaling matagal ding pinagisipan dahil nga sa taas ng presyo ng mga bilihin na hanggang abot-tanaw lamang sa kakayahan.

Kung ang barber ko ang tatanungon, walang kaabogabog nyang iaambag na tayo dito sa Norte ng Pinas ang dapat lamang na makisakripisyo sa dinaranas ng ating mga kapatid sa Katimugan; ikansela na ang selbrasyong halos malunod ang bawat isa sa kagalakan at dahil sab anta ng Omicron ay ibigay na lamang na dagdag-tulong para sa nasalanta ng super storm na Odette.

“Pareho namang letrang O ang dalawang mala-delubyong pangyayari, anya ni Kulas na ginugupitan sa aking kanan. Omicron at Odette, parehong hagupit ang resulta kapag nagsabay pa yan. Angat pa tayong taga Baguio!”