Ang Delta COVID-19 Virus Bow!!!

Opinion

Ito na naman nangangamba ang mga tao sa pag-atake ng “Delta Covid-19 virus” na ayon sa Department of Health ay mapanganib dahil mas mabilis itong nakakahawa kahit na may face mask at face shield ka. Dahil dito nakaamba ang posibleng lockdown na naman sa mga ibat-ibang lugar sa bansa, ito raw ay upang maiwasan ang pagkalat at pagkahawa sa Delta Covid Virus.

Ang tanong kaya pa ba ng gobyerno ni Pangulong Duterte ang magbigay ng ayuda kung sakaling maglockdown ulit ang bansa? Malabo na ito, ayon na rin mismo sa mga local government units na anila walang sapat na pondo upang magbigay ulit ng ayuda sa mga tao.

So ang piece of advise ng ilang mga tao lalo na ang mga business sector ay huwag ng mag-lock down tutal may 5 milyong Pilipino na ang totally vaccinated at mayroon na ring 10 milyong Pilipino ang nasa 2nd dose na ng pagpapabakuna ayon sa mga ulat.

Kapag nag-lockdown na naman magsasara na naman ang mga negosyong nakabukas na at muling daranas ng kahirapan ang mga mamamayan dahil sa kakulangan ng trabaho.

Halos 40 percent palang ng mga kompanya ang bukas na para sa mga trabaho. Kaya karamihan sa mga tao ay kanya-kanyang “diskarte” na lamang upang mabuhay. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Attorney Isagani Nerez, Chairman ng Aasenso Party List at Grace Guardians Philippines na “Do not take advantage in the misery of the people”.

Lugmok na nga sa kahirapan, walang sapat na kita ay magtake advantage ka pa aba e lalong magagalit sa iyo niyan ang mga tao.

Naging epektibo ang pagdating ng Delta Covid-19 virus sa bansa dahil noong una atubili ang mga senior citizens at iba pang Pinoy na magpavaccine pero ng dumating si “Delta” ayon dumagsa ang mga seniors sa bakunahan center, at isa pa naging matagumpay din ang “panguuto, este pag-engganyo ng ilang local government units sa kanilang mga constituents na yung iba may paraffle pa ng bahay at pangkabuhayan showcase basta magpabakuna ka lang ang dahilan kailangan pala na maabot ang kota ng mga LGU sa mga magpapabakuna.

Eh dito kaya sa “Bagyo my Labs “ sana may gimik din si Mayor Benjie Magalong para mas lalo pang dumami ang magpabakuna .

Sa huling ulat ng City Health Office sa lunsod ng Baguio ay may 96 percent na recently death cases ang hindi nabakunahan, kung titingnan natin ang ulat na ito ay mula pa noong Marso 2020 hanggang sa kasalukuyan ay may total na 296 na tao ang namatay na hindi nabakunahan.

So ibig sabihin kapag ang isang tao ay nabakunahan na maari kang hindi tablan ng Covid-virus, pero sabi ng iba naman ay tatablan ka pa rin ngunit hindi na ganun kalakas na maaring mong ikamatay. Kaya ka Pabling lets bakuna na..  Maging ang inyong lingkod ay hindi pa nagpapabakuna dahil sa samut-saring haka-haka at kurukuro na mga posibleng mangyari kung magpapabakuna ka, una walang guarantee na safe ka na pag may bakuna, pangalawa magsusuot ka pa rin ng face mask at face shield, pangatlo maaari ka pa ring dapuan ng Covid-virus, pang-apat kapag nagpunta ka sa mga tourists destinations required ka pa rin mag RT-PCR, Antigen, Swab Test kahit na bakunado ka na.

O, hindi ba gastos pa rin , sana kung bakunado ka na tanggalin na ang face shield, kahit face mask na lang ang itira pwede ka ng gumala dahil bakunado ka na at tanggalin na rin ang mga test sa Covid.

Mula ng pumasok sa area of responsibility ang bagyong si Fabian ay ibinuhos naman ang ulan ni Habagat na kung saan ay sobrang dami ng tubig-ulan na nagdulot ng baha sa ilang bahagi ng bansa, lalo na sa lowland area. Ang sanhi ng pagbaha ay ang mga bara sa daluyan ng tubig bunga ng basura.

Maging sa bayan ng La Trinidad, Benguet ay hindi nakaligtas sa baha, ang sanhi umano ay ang mga barado at maliliit na kanal, bakit kasi Mayor Romeo Salda hindi kayo nagpalinis ng mga kanal bago pa umulan dapat utusan mo ang inyong engineering office na maglinis ng mga kanal hindi yung nakaupo lang sila sa kanilang opisina at hindi dapat dahilan ang pandemic kung kayat hindi kumikilos ang mga tao mo sa engineering kung ginawa nila ang paglilinis ng mga kanal maaring hindi bumaha sa inyong lugar.

Kaya next time Mayor Salda my brother in Grace Guardians utusan mo mga tao mo sa engineering na imonitor ang mga inlet at outlet ng bayan ng La Trinidad upang maiwasan ang pagbaha.

Ang Amianan Balita Ngayon ay nakikiramay sa pamilya ng Suriaga ng Camp 7 Barangay na kung saan ay sila ang naging biktima ng pagbuhos ng ulan ng mabagsakan ang kanilang sinasakyang taxi na patungo sa Central Business District ng maganap ang aksidente.

Pinapayuhan din natin ang ating mga kababayan na mag-ingat sa mga lugar na mapupuno at malapit sa mga landslide area dapat lumikas na kayo at maging sa lalawigan ng La Union ay naging alerto na rin si Gobernador Pacoy Ortega na kung saan ay agad niyang pinakilos ang mga tao nito o ang Provincial Disaster Coordinating Council nito upang magbigay babala sa mga taong naninirahan sa tabing dagat at tabing ilog.

Ngunit higit sa lahat ay manalangin tayo sa Panginoong Hesus at sa Banal na Espiritu upang tayo ay maligtas sa lahat ng mga sakuna at mga sakit.