Ang Hiwaga ng mga Gawa Panginoon

Nang gamitin ko ang aking isipan upang makaalam ng karunungan, at upang makakita ng gawain na ginagawa sa lupa, kung saan hindi nakakakita ng tulog ang kanyang mga mata sa araw man o sa gabi; ay nakita ko nga ang lahat ng gawa ng Diyos, na hindi matutuklasan ng tao ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw. Ngunit gaano man magsikap ang isang tao sa paghahanap, hindi rin niya ito matatagpuan.
Ngunit ang lahat ng ito ay inilagak ko sa aking puso, na sinisiyasat ang lahat ng ito; kung paanong ang matuwid, ang pantas, at ang kanilang mga gawa ay nasa kamay ng Diyos; kung ito man ay pag-ibig o poot ay hindi nalalaman ng tao. Lahat ng nasa harapan nila ay walang kabuluhan, yamang isang kapalaran ang dumarating sa lahat, sa matuwid at sa masama; sa mabuti at sa masama, sa malinis at sa marumi, sa kanya na naghahandog at sa kanya na hindi naghahandog. Kung paano ang mabuti, gayon ang makasalanan; at ang sumusumpa ay gaya ng umiiwas sa sumpa.  

ECLESIASTES 8:16-17 ,9:1-2

 

Amianan Balita Ngayon