ANG IYONG KABAYARAN AY NA KAY ALLAH

[ Your recompense is with Allah ]

Kung si Allah ang kataastaasan , ay naglayo ng anumang bagay sa iyo , siya ay magbabayad ng ibang bagay na higit na mabuti , ngunit kung ikaw ay matiyaga lamang at naghahanap ng iyong gantimpala mula sa kanya. Ang propita muhammad s.a.w. ay nagsabi : “Sinoman na ang kanyang paningin ay tinanggal sa kanya at matapos ay naging matiyaga , siya ay babayaran sa ganito ng paraiso “ { Whoever has his eyesight taken away from him and is (then) patient, he will be compensated for it with Paradise.}

At sinabi pa ni propita muhammad p.u.h. Sinoman ang mawalan ng minamahal sa mga tao ng mundong ito , at
matapos ay naghanap kabayaran sa kanyang panginoon , ay babayaran ng paraiso . { Whoever loses a loved one from the people of this world and then seeks his recompense with his Lord, will be compensated with Paradise.} Kaya’t huwag magdamdan ng labis-labis na kalungkutan sa harap ng ilang kasamaangpalad , sapagkat siya na ang nagtakda ng gayon , nasa kanya ang paraiso , kabayaran ng isang malaking gantimpala .

Yaong mga nahihirapan sa mundong ito at malalapit kay Allah ay papupurihan sa pinaka mataas na bahagi ng langit
Sinabi ng allah sa banal na qur’an : ( salamun alaicom ) ang kapayapaan ay sumainyo , sapagkat kayo ay nagsipagtiyaga sa pagbabata , tunay ngang napakainam ang huling tahanan .qur’an 13:24 (Peace be upon you, because you persevered in patience! Excellent indeed is the final home!) (Qur’an 13: 24) Marapat po natin pagmuni-muniin ang gantimpala na matatanggap ng sinuman na nagtitiis ng kahirapan .

Sinabi pa ng allah sa qur’an Sila na ang tumatanggap ng (salawat) , mga biyaya ng kapatawaran at ng habag mula sa kanilang panginoon , at sila ang tunay na napapatnubayan . Qur’an 2:157 (blessings] [i.e. who are blessed and will be
forgiven) from their Lord, and they are those who receive His Mercy. And it is they who are the guided-ones.)(Qur’an 2: 157) Katiyakan , ang buhay sa mundong ito ay maigsi at ang mga kayamanan ito ay kakaunti , ang kabilang buhay ay higit na mainam at walang hanggan , at sinoman ang nahihirapan dito ay makakatagpo ng kanyang gantimpala doon , at para gumawa ng mahirap dito ay makakatagpo ng gaan doon , at para sa kanila ng kumapit sa mundong ito , na nakadikit dito , na nahuhumaling dito , ang pinaka mahirap sa kanila na pasanin ay ang pagkawala ng kaginhawahan ng mundong ito , sila ay nagnanais na tamasahin lamang ang kasiyahan ng buhay na ito ,

Dahilan sa ganitong pagnanasa , sila ay walang reaksyun o hindi naaapiktuhan sa kasawian ng iba . Ang napapaghulo nila sa kanilang paligid ay ang buhay na ito lamang : sila ay bulag sa kawalang kapanatilihan at kawalang -kahalagahan nito . O kayong nahihirapan , kung kayo ay matiyaga , walang mawawala sa inyo , at kahit na hindi ninyo ito nahihiwatigan , kayo ay nakikinabang . Ang tao na nakakaranas ng kahirapan ay marapat na magnilay-nilay sa kalalabasan ng kabilang buhay , ang kalalabasan para sa kanila na matitiyaga .

Sinabi ng Allah sa holy qur’an ( kaya’t isang dingding ang ititindig sa pagitan nila narito ay may tarangkahan , sa loob nito ay naroroon ang walang maliw na habag , at sa labas nito ay naroroon ang kaparusahan ) gur’an 57:13 (So a wall will be put up between them, with a gate therein. Inside it will be mercy and outside it will be torment.) (Qur’an 57: 13)

Amianan Balita Ngayon