Ang Masamang Epekto ng Pandemya (Sa Aking Paningin)

Tapik ni Tonying

Ibat-iba ang paningin ng mga Pilipino sa nagaganap na Pandemya sa ilalim ng COVID- 19 na halos apat (4) na buwan ng nananalanta sa mga tao, kabuhayan at pmahalaan na halos tinarget nito ang mga malalaking bansa o ang mga mauunlad, ewan ko ng aba ka Pabling at ka pekto kung bakit pati ang Pilipinas na naghihikahos sa kahirapan dahil lugmok daw ang bansa natin sa utang sa ibayong dagat ay nasama sa COVID-19 na pandemya na ito.

Ang mga nasa Europa, gayang Italy, Switzerland, Germany, Great Britain, Spain at ang iba pang bansa sa kontinenteng ito ay tinamaan ng virus na ito, gayun din ang bansang Amerika na sumentro sa New York ang nasabing sakit.

Sa asya ayon sa magagagaling na tumutuligsa sa bansa ang Pilipinas daw ang numero uno sa sakit na ito dahil “friends” daw ni Pangulong Digong ang bansang China kaya nasama tayo sa virus na ito. At kung tototo nga ang mga balita o tsismis na galling sa bansang Italy na kung saan ay nagsagawa umano ng autopsiya ang mga duktor ng Italya sa ilang bangkay na namatay sa COVID-19 na ayon sa lumabas na resulta ng autopsiya ay hindi raw virus ang COVID-19 kundi isang simpleng sakit na gawa ng bacteria na sa loob ng tatlong araw na gamutan gamit ang aspirin, paracetamol at mga vitamins ay pweding gumaling ang tinamaan ng COVID-19.

Sana nga ay totoo ito dahil parang simpleng sipon at ubo ay pwedi na sa gamut na paracetamol at gamut sa ubo. Yung iba naman magmumug daw ng maligamgam na tubog na may asin o may lemon, o kaya mag suob ka raw..

Ngaunit balik tayo sa masamang epekto ng Pandemya na ito, sa aking paningin may masamang dala talaga ang nagaganap na pandemyang ito, bakit kamo ka Pekto, una nagkaroon na ng malawakang problema sa pagbibigay ng ayuda sa loob ng dalawang buwan (Abril at Mayo) sabi ng Pangulo may 300 bilyon silang inilabas e ang tanong sa 300 na ito magkano naman ang ipinasok nila sa kanilang sariling bulsa kas inga yung 300 bilyon aba ka Pabling pwedin kahit tig 500, 000 ang ibigay sa bawat Pilipino e sabi ng Philippine Statistic Administration ang papulasyon ng bansa ay 110 milyon e di ba sobra-sobra itong 300 bilyon?

Pagkatapos ng ayudahan sa loob ng dalawang buwan hindi pa rin nakuntento ang mga Pinoy reklamo dito, reklamo dyan maraming hindi nabusog at marami ring mga
opisyal ng mga barangay ang nakasuhan dahil sa “pangungupit” ng ayuda .

Yung iba na badyet na P5500 hahatiin pa ito ng opisyal ng barangay at dahil dito marami ang nagreklamo kung kayat ng mga opisyal ng barangay na lumabag ay nakasuhan.

Apat na buwan na sa MGCQ, mayroon pa silang “medium risk MGCQ “ at pilit na ipinapapatupad pa rin ang quarantine sa may ilang lugar sa Pilipinas , ngayon sa Cebu naman ay ilang lugar sa Visayas island, purbida uy . Pinahirap na ang mga Pinoy talaga. Maraming pinoy ang nawalan ng trabaho, may 5 milyong nagugutom na Pinoy bunga ng walang trabaho dahil kinontrol ng gbyerno ang galaw ng mga negosyante.

Marami na rin sa mga kawawang tsuper sa Metro Manila ang nagugutom dahil ayaw silang bigyan ng pagkakataong makapasada. Sa mga paktorya at iba pang Negosyo marami ang natanggalan ng trabaho.

Yung iba nagnanakaw na ay nanghuhuldap na dahil nga wala silang mapasukang trabaho at iba naman ay namamalimos na ano pa kaya ang mangyayari sa mga darating na panahon kung patuloy na ganitong Sistema ang ipapatupad ng gobyerno ni Pangulong Duterte? Tayo ba ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng World Health Organization? Sana nga totoo na mayroon ng vaccine laban sa COVID 19 na ito dahil kung wala patuloy na kontrolado ang kilos, galaw ng bawat Pinoy, kontrolado ang Negosyo at maging ang pamahalaan at ang magiging bunga nito ayon sa aking paningin ay kawalan ng “peace and order” sa ating bansa.

Dalangin ko sa Ama sa langit at sa lahat ng Banal na Ispiritu na haplusin nawa ng kaliwanagan ang mga namumuno na Makita at madinig nila ang hinaing ng taong bayan …

***
Bago ang lahat ay binabati ko ang aking “katulong sa buhay” na si Grace ng Happy 27th Anniversary at Thank you sa iyong walang sawang pagmamahal at pang unawa sa akin. Nagdiwang kami noong July 22, 2020 at pinasasalamatan ko ang buo ang Ama sa Langit sa malusog at malakas naming pangangatawan.

Gayon din binabati ko ng Happy Birthday sina Mar Oclaman (July 22) at Carlos Meneses (July 21) at Dindo Vicente ng Happy Birthday noong July 11.. Cheers mga kasama.