ANIMAL BITE CLINIC MINI-FAIR INILUNSAD BILANG PAGGUNITA SA NATIONAL RABIES AWARENESS MONTH

BAGUIO CITY

Bilang paggunita sa National Rabies Awareness Month, ang Animal Bite Clinic ng Health Services Office Animal Bite Treatment Center ay nagsagawa ng mini fair noong Marso 17. Sa panahon ng mini fair, magbibigay ng libreng rabies immunoglobulin o tinatawag din na passive immunization ang klinika sa lahat ng dadalo. Ang bakunang ito na karaniwang mahal ay ibibigay nang walang bayad.

Ayon kay Agnes Johanna Abad, Nurse IV ng Animal Bite Clinic, “We give this free, kasi inasabi po natin na ang mahal ng vaccine, so that is the passive immunization of the rabies immunoglobulin,
binibigay po namin na libre sa lahat.” Ang mga dumalo ay makakatanggap din ng loot bag ang mga bata, habang magkakaroon ng mga libreng kagamitan para sa lahat sa buong kaganapan.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng sariling sinehan ang fair na magpapalabas ng iba’t ibang video na pwede panoorin ng lahat. Upang magpakalat ng kamalayan para sa buwang ito, sinabi ni Abad na “ Rabies is an acute encephalitis meaning po there is an inflammation of the brain that is caused by the saliva from an infected or a rabies animal.

Ito po yung mga dogs, cats, cattles, cows, goats and horses and sometimes meron po tayong case dito sa Baguio City there are petting monkeys so meron po tayong tatlong cases ng monkey po ang pinanggagalingan ng ating animal bite cases.” Dagdag pa ni Abad, “Ang misconception po kasi natin ang mga rats rabbits or kaya ng mga hamster, wala po silang binibigay po namin sa health services office is only the tetanus toxoid.

Because of this rabies po dito sa ating country kasi ang lokal Ito po natin wala po tayong human rabies case, we’re fortunate to have that pero kasi meron po tayo sa animal side so mayroon tayong
approximately 3 last year.”

Tristan John Quiaño-UB Itern

Amianan Balita Ngayon