ANIT-MOMMA, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Isriktong ipinagbabawal ni Mayor Benjamin Magalong ang pagdudura ng momma dahil sa karumihang idinudulot nito sa siyydad ng Baguio. Ayon sa phayag ni Magalong, hindi lamang ito
patungkol sa sanitasyon, ngunit maaari rin itong magambag sa pagkalat ng mga virus at sakit.
Ipinahayag din ni Capt. Angeline Dongpa-en, information officer ng Baguio City Police Office, na laging nagpapaalala ang kapulisan sa ordinansang ito.

“Kahit man hindi ka taga rito kailangan alamin mo parin ang ordinance ng lungsod, at hindi mo maaaring gawin kung ano ang ginagawa mo sa pinaggalingan mo. Kailangan nating panatilihin ang kalinisan ng baguio, kaya kailangan nating magtulungan. At kung hindi man kapulisan ang makakapansin sa mga ngumunguya ng momma na walang plastic na pagduduraan, bilang isang concern citizen maaari din natin silang pagsabihan” pahayag ni Dongpa-en. Ipinaalala din ni Dongpaen na mayroong ordinansa na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga produkto ng momma sa mga menor de edad sa lungsod.

John Julius Avila/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon