Maanomalya ang planong pagtatayo ng tatlong hydro-electric power plants ng Tagle Corporation sa lupang ninuno ng mga katutubo sa Kabayan, Benguet. Sasailalim na lamang sa iisang Certificate of Precondition (CP) mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang tatlong magkakahiwalay na hydro-electric dams- 4.5-megawatt (MW) Eddet HEPP, 6 MW Eddet 2 HEPP at 20 MW Kabayan 4 HEPP sa Eddet River sa Kabayan.
Isinasaad sa Indigenous Peoples Rights Act (IPRA), kinakailangan makakuha ng CP ang Tagle Corp. mula sa NCIP,
bago pa man ang prosesong Free-prior-informed-consent (FPIC) o katibayang pagpayag ng mga apektadong katutubo. Namumuo ang poot ng mga apektadong katutubo dahil ipagsama-sama sa iisang FPIC process ang
tatlong proyekto, imbes na tatlong magkakahiwalay na proseso.
Kinakasangkapan ng mga nagtataguyod sa tatlong dam projects ang Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) System na binibigyan ng 105 araw ang mga katutubong pumayag o hindi sa isang proyekto kasama na ang pagproseso ng
NCIP sa CP. Ang EVOSS ay prosesong online sa pagsusumite at sabay-sabay na pagproseso ng lahat ng impormasyon pati na rin sa iisang decision-making portal upang makakuha ng permits o certifications kaugnay sa mga power generation, transmission, or distribution projects.
Isinasakripisyo ang mga karapatan at kagalingan ng mga katutubo ng Kabayan, Benguet dahil sa minamadali ang tatlong dam projects ng Tagle Corp. sa tulong at diumano’y impluwensiya ng mga pulitiko at ibang opisyal ng pamahalaan ng Benguet, Ngunit naninindigan ang mga katutubo na walang narating na consensus ukol sa mga proyekto ayon sa tradisyonal na decision-making processes ng mga katutubong lider at nakatatanda ng Kabayan Ancestral Domain.
Bukod sa panlilinlang at pamumwersa sa mga katutubo, nararapat lamang na maglunsad ng imbestigasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil dalawa sa tatlong dam project ay itatayo sa Eddet River, na nakapaloob sa Mt. Pulag National Park.
October 5, 2024
October 5, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024