Anti-distracted driving law, maraming nalilito

May 21, 2017

Tone-toneladang tanong, upak, banat, iskrutiny ang bumunghalit sa sosyodad matapos naging batas ang  ADD Bill na naging batas – Republic Act 10913 o ang Anti Distracted Driving Law. Bakit naman? Ala eh, sandamukal daw ang mga isyu na dapat linawin bago ipatupad. Ang kaso, kabayan, eh ipinatupad na kamakailan (May 18, 2017). Pero sabi nila, oryentasyon pa lang daw ng  tatlong buwan at wala pang tiket at multa. Hmm, ganern? Baka naman mapasukan daw yan ng kotong! He he, sabi nga ng ilan baka di pa gawa ang batas, may mga nakapuwesto na sa Kotong Operations. He he, joke lang pero baka maging totoo. Ba’y mantakin mo ang multang mula sa limang libo hanggang trenta mil sa mga lalabag? Anak ng bakang bakla, mamabutihin na nga ng mga mahuhuli ng maglalagay ng libo kaysa sa magmumulta ng 5K sa first offense, 10K sa pangalawa at tataas pa hanggang kanselasyon ng lisensiya at baka may kulong pa. Sus ginoo! Ano ba ire? Pero teka, kaliskisan muna natin ang bagong batas na ito bago tayo tumalak.

******
Una sa lahat, hindi raw saklaw ng batas na ito ang lahat ng mamamayan kahit may cellphone ka pa. Bah, may makakalusot? Sino? Eh, di yung mga may cellphone na hindi umaalis ng bahay at nakikipagtsismis lang. Hmm tama ka pards. Pero sa mga nasa labas ng bahay, kuwidaw kasi ganito yun. Lahat ng mga motoristang gumagamit ng cellphone o anumang uri ng electronic entertainment at computing devices habang nagmamaneho ay ipinagbabawal ng batas na ito. Ibig sabihin, di ka pwedeng gumamit ng ano mang electronic device habang nagmamaneho dahil makakaapekto raw sa iyong konsentrasyon sa pagmamaneho. Simple lang, di ba? Aminado ang maraming nasa transport at mobile groups na tama ang batas dahil mahirap nga namang pagsabayin ang paghawak sa manibela at kung ano-ano pa riyang kakuwanan o kapritso. Lalo daw kung nakikipag-away ka sa kausap mo sa cellphone. Baka makabangga ka ng sampung buntis! Multiple homicide yan, pards.Kaya tama ang batas. Pero sa mga  iba pang kabawalan, uriratin natin.

******
Sakop ng batas ang mga may gulong na agricultural machineries, contruction equipment (buldozer, backhoe, pison etsetera pa), bisikleta, pedicabs, trolleys, habal-habal, kuliglig, wagons, motorsiklo, carriages at pati mga kariton na de tulak o de hila ng hayop na babagtas sa mga major at public thoroughfares (kalsada), highways o mga kalye. Oh, my native land of the morning! Nasa Pilipinas pa ba tayo? Alam ba ninyo na saklaw din ng batas na ire ang kabawalan sa pedestrians o mga naglalakad sa kalsada na huwag gumamit ng cellphone kapag tumatawid o nasa kalsada? Ganern? Oo, ganern. Iba na pag nag-iingat. Husme! Papaano kung may kausap ka sa cellphone at nasa kalsada ka? Aakyat ka pa sa punong Pine Tree at doon sagutin ang tawag o mag-text? E, kasi bawal sa kalsada, di ba? Maryunes! Dami na pala ang nadamay sa batas na ito, sabi ng marami. Parang lantarang pinakialaman na ang pribadong karapatan ng tao. Baka ang susunod, bawal na rin ang mag-cellphone sa loob ng C.R. baka makabulahaw sa mga umiire sa kabilang inodoro. Inang ko pong mahabagin. Natatakot na akong makakita ng kabayong hinuhuli dahil naka-head set. O hinuling kalabaw kasi ang hinete ay walang helmet! Mariakusina! Naku po, paki-linaw nga ang mga ginagawa ninyong batas bago mabuwang ang maraming kalahi. May part two pa ire, pards. Marami kasing problema, e. Sige, adios mi amor, ciao, mabalos na!

RELATED POSTS

QUITE UNDERSTANDABLE

Senator Loren Legarda is a champion of several causes including that of preserving and protecting the environment and promoting livelihood...

SINGKWENTA

On the day of commemoration of Martial Law, I decided to be poetic and cryptic, posting on my social media an allusion to the sinister...

URONG SULUNG

TILA BANTULOT ang mamamayan na alisin ang facemask sa kanilang mga mukha kapag nasa outdoor setting. Nitong mga huling araw, habang...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest